^

PSN Opinyon

Tips para tumalino ang mga anak

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming bata ang nahihirapan sa pag-aaral at hindi makapasa sa examinations. Lagi silang bagsak. Paano ba nila matatandaan ang kanilang mga aralin?

Narito po ang aking mga payo:

1. Ilista ang pinag-aaralan. Para matandaan ang lek­syon, mas madali kung ililista mo ang iyong inaaral. Madali matandaan kapag nakalista ng 1, 2 at 3 ang iyong mine-memorya.

2. Gumawa ng kodigo. Kunin ang unang letra ng iyong gustong tandaan. Halimbawa, kung kailangan mong tan­daan ang Pasig river at Marikina river. Tandaan na lang ang P at M. Kaya PM ang magiging kodigo mo.

3. Markahan ang iyong libro. Ang libro ay dapat minamarkahan. Ito ang paraan para matandaan mo ang iyong inaaral. Kung hindi sa iyo ang libro ay gumawa ka na lang ng mga index cards, kung saan isusulat mo ang mga impor­tanteng detalye.

4. Ilarawan mo. Kung kaya mong ilarawan ang lek­syon, mas madali mo itong matatandaan. Kung gustong tandaan kung nasaan ang Leyte, ilarawan mo ito na may Cebu sa kaliwa at Eastern Samar sa kanan.

5. Mag-review nang paulit-ulit. Ang tamang pag-aaral ay iyong paulit-ulit. Kahit sino ay hindi kayang mag-me­morya sa isang basahan lang. Basahin ang leksyon bawa’t linggo para hindi mawala sa isipan.

6. Magdesisyon na mag-aaral. Kung ilalagay mo ang iyong emosyon at buong puso sa pag-aaral, siguradong papasa ka. Isipin mo ang pagkakataong na-in love ka, napagalitan ka o pinuri ka ng titser. Hindi ba’t tandang tanda mo ang lahat ng detalye ng pangyayari? Ito’y dahil may emosyon noon at nakaukit na ito sa iyong utak at puso.

7. Mag-aral bago matulog. Malaking bagay ang pag-aaral bago matulog. Mas maganda pa nga kung mapana­ginipan mo ang iyong leksyon. Ang ibig sabihin nito ay guma­gana ang iyong utak (tinatawag na subconscious mind) para matandaan ang leksyon. Pag gising mo ay magugulat ka dahil naalala mo lahat ng iyong inaral.

8. Maging healthy. Ito ang pinakamahalagang payo. Kumain ng masustansya. Mag-ehersisyo at matulog ng sapat.

9. Puwedeng kumain ng mani dahil may tulong ito sa utak. May tulong din ang mga omega-3 fish oil supplements at multivitamins.

10. Magdasal. At siyempre, bukod sa pag-aaral ay dapat din tayong magdasal. Sa tulong ng Diyos at sa iyong pagsisikap, magiging matagumpay ka sa iyong buhay. Good luck!

vuukle comment

EXAMINATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with