^

PSN Opinyon

Kailangang patuloy ang pagbaba

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa DOH, bumababa na raw ang bilang ng mga nagpositibo para sa COVID-19. Ito ang kanilang pahayag kahit halos malampasan na natin ang Italy sa rami ng kaso. Noong Marso, napilitang mag-lockdown ang Italy dahil sa bilis at dami ng kaso. Ito ang mga unang buwan kung saan kumalat nang husto ang virus sa buong mundo.

Ginaya ng bansa ang lockdown ng Italy kahit hindi pa ganun karami ang bilang ng kaso. Sa tingin ko ay nakatulong nga ito. Tatlong buwan naka-lockdown ang Luzon. Pero noong Hunyo, binuksan na.

Natatandaan ko pa na nasa higit 20,000 ang kaso noong Hunyo. Pero bigla ito sumipa sa mga susunod na linggo. Pagsampa ng Hulyo, halos dumoble na ang bilang. Ngayon, matapos ang apat na buwan nang tanggalin ang lockdown, nasa 311, 694 kaso ang naitala. Pero kahit ganyan kataas ang bilang, agad sinundan ng DOH na karamihan ay “mild or asymptomatic”, at marami rin ang gumaling.

Kaya raw dumarami ang bilang ay dahil sa tinatawag na “clustering” sa komunidad at dahil din sa malawak na testing na nagagawa ngayon. Parang dahilan ni President Trump na kaya raw tumataas ang bilang ng kaso sa Amerika ay dahil sa malawak na testing.

Isang milyon na ang namatay sa buong mundo dahil sa coronavirus. Ang katotohanan ay may nahahawa pa, at may namamatay pa. Puwedeng sabihin na karamihan ay “mild or asymptomatic”. Pero nakakahawa pa rin sila. At maaaring ang mahawaan nila ay hindi magiging simple ang impeksyon. May mahahawaan na may sakit na o ang matatanda. Hangga’t walang maayos na bakuna ay patuloy na magiging peligro ang COVID-19.

Mananatili sa ilalim ng GCQ ang Metro Manila hanggang katapusan ng Oktubre. Hindi pa rin kampante ang mga mayor na puwede nang buksan nang husto ang mga siyudad. Sang-ayon naman ako riyan. Pero nasusundan nga ba ng lahat ang mga patakaran sa ilalim ng GCQ?

May mga negosyong nagpupumilit na ngang magbukas kahit bawal pa. Marami na rin ang lumalabas kahit hindi naman kailangan, pero ang maganda naman ay tila lahat ay nagsusuot ng face mask. Kung maraming hindi nag-iingat dahil nagsasawa na sa mga quarantine, sana ay hindi sila mahawaan o sila ang manghawa.

Ang nais makita ng mga mayor ay patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso, maging mga seryoso man o hindi. Ika nga, ang positibo para sa COVID-19 ay positibo pa rin na bilang.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with