Banta ni Grace Poe

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2020 - 12:00am

NGAYONG may pandemya, higit na kailangan ng sambayanan ang mabilis na internet connection. Karamihan kasi sa mga transaksiyon ngayon ay online. Sa online, puwede ang work from home, business transaction at ang online learning sa mga estudyante. Dahil online, maiiwasan ang physical contact at walang hawahan ng virus.

Subalit kung mabagal ang internet, problema rin. Kaya kumilos na si Sen. Grace Poe. Binantaan niya ang DITO telecommunity (dating Mislatel), na kung hindi mapapa­bilis ang internet connection, malamang ibasura ang prang­kisa nito sa Hulyo 2021.

Ang DITO ay pumasok sa telecommunications industry bilang third major telco players upang maisaayos ang internet service sa bansa.

Ang pagbatikos sa DITO ay lumutang matapos magbanta si Pres. Rodrigo Duterte, sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27 na kukumpiskahin ng gobyerno ang dalawang telcos dahil sa mabagal na internet.

Sabi ni Poe, ang naibigay na prangkisa sa DITO ay hindi 25 years at nag-take over lamang ito sa isang existing­ na prangkisa. Malinaw na kung hindi matutupad ang pangakong serbisyo ng DITO, maaring ikansela na ang prangkisa nito.

May lumutang na alingasngas pa nga sa pag-apruba ng DITO dahil malakas ang dating nito kay Digong. ‘Di ba mga suki? Kaya nga pinapasok ng pamahalaan ang DITO, pero kung ganito rin lang naman pala ang magi­ging serbisyo nito sa publiko, masasabing tama si Grace na magbanta na hindi na palawigin pa ang kanilang prangkisa.

Sa kasalukuyan kasi, base sa prangkisa ng DITO, malinaw na ipinag-uutos na kailangang magpatayo sila ng 2,500 cell tower hanggang sa Hulyo 8, 2020. Pero ang nakalulungkot, ang naipatayong cell tower ng DITO ay umabot lamang sa 600.

At dahil nga sa pananalasa ng COVID-19, humingi ng palugit ang DITO ng anim na buwan para matugunan ang kanilang mga obligasyon at pinagbigyan naman ito ng gobyerno. At kung hindi pa  matutupad ang kanilang mga obligasyon, dapat nga lang ibasura na ang prangkisa nito.

Nilinaw ni Poe na ngayon ang pinakamahalagang panahon para ma-improve ang internet connection sa bansa dahil sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng online learning dulot na nga rin ng pandemya.

Abangan!

COVID-19 GRACE POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with