Ang mga dapat kainin ng may fatty liver
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

Maraming may fatty liver na resulta base sa ultrasound.

Ang fatty liver ay taba na naimbak sa selula ng atay at kadalasan ay nakikita sa mga edad 40’s at 50’s.

Kadalasan, wala itong sintomas pero sa ibang pas­yente ay lumalaki ang atay, makirot sa kanang bahagi ng tiyan at madaling mapagod.

Ayon sa mga eksperto, maaaring may kaugnayan ang fatty liver sa pagiging mataba, mataas na asukal sa dugo o diabetes, mataas ang triglyceride at kolesterol.

Ang iba pang risk factor ay PCOS o polycystic ovary syndrome, hypothyroid at iba pang sakit.

Narito ang mga tamang pagkain sa may fatty liver:

1. Kumain ng mga dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas kada araw.

2. Puwedeng kumain ng mais, patatas, kamote, ube at kamoteng kahoy.

3. Magbawas sa kaning puti.

4. Mabuti ang protina galing sa isda, mongo beans, karne, manok na walang taba, low fat milk, yogurt at soya milk.

5. Piliin ang healthy fats tulad ng mani, kasoy, garbanzos at olive oil.

6. Umiwas sa butter o krema, mayonnaise at sebo.

7. Panatilihin ang tamang timbang at regular na mag-ehersisyo.

8. Tubig ang pinakamagandang inumin.

9. Umiwas sa matatamis na inumin.

FATTY LIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with