Suportado ni Digong si Health Sec. Duque
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2020 - 12:00am

ILANG beses nang pinagbibitiw ng mga mambabatas si Health Secretary Francisco Duque III pero hindi umubra dahil suportado siya ni Pres. Rodrigo Duterte. Ang masakit lang, habang nasa puwesto si Duque tuluy-tuloy naman ang pagdami ng kaso ng COVID-19 na umaabot na sa 28,000. Lalong lumobo ang kaso nang makauwi sa kani-kanilang probinsiya ang mga na-stranded na overseas Filipino workers at seafarers­. Ka­tulad sa Cebu na umaabot na sa 4,000 ang tinamaan at sa Bacolod na patuloy din sa pagdami.

Samantala, nagalit naman si Digong kamakailan, matapos maantala ang pagbibigay ng compensations sa doctors, nurses at iba pang medical personnel­ na namatay at naratay dahil sa COVID. Kaya mabilis na naibigay ang P1 milyon sa kaanak ng mga namatay at P100,000 naman sa mga naratay. Kailangan pala ma­galit muna si Digong para kumilos si Duque.

Kamakalawa, ang Ombudsman naman ang umu­usok ang ulo at nagbantang iimbestigahan si Duque sa mga naganap na kapalpakan hinggil sa kakula­ngan ng PPEs sa mga frontliners. At siguro isasama na rito ang kapalpakan sa resulta ng rapid testing sa OFWs. Sobrang bagal kasi ang resulta ng COVID test ng OFWs. Dahil delayed ang resulta hayun nakauwi na ang OFWs sa probinsiya at kung positive sila baka nahawahan nila ng virus ang kanilang mga mahal sa buhay. Kaya sa kasalukuyan, kaliwa’t kanan na naman­ ang ginagawang contact tracing ng local government units.

Samantala, inilagay muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang tatlong lugar sa Lower Bicutan, Taguig City matapos lumobo ang mga tinamaan ng COVID doon. Ang mga lugar na isinailalim sa ECQ ay ang  Purok 5 at 6 simula June 17 hanggang July 1 at ang Purok 4 naman ay June 18 hanggang July 1. Nagdesisyon ang local government ng Taguig na ilagay sa ECQ ang tatlong lugar matapos makumpirma na may tatlong tinamaan ng virus doon.

Kaya sa mga taga-Lower Bicutan, manatili na muna kayo sa bahay at lumabas lang kung talagang kailangan. Kaunting disiplina naman dahil wala pang bakuna sa COVID-19. Huwag munang gumala para maiwasan paghahawahan. Palaging magsuot ng face mask, laging ipraktis ang physical distancing at panatilihin ang paglilinis ng katawan para ang virus ay maiwasan.

FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with