Deployment ban ng OFWs sa Kuwait, ba’t inalis agad?
(Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2020 - 12:00am

Masyado namang mabilis ang pagli-lift ng ban sa pagpapadala ng workers sa Kuwait makaraan ang karumal-dumal na pagpatay sa Pinay domestic helper na si Jea­nalyn Villavende noong Disyembre 2019. Akala ko ba ay maninindigan ang gobyerno na hindi magpapadala ng workers sa Kuwait hangga’t hindi nasosolb ang mga problemang may kaugnayan sa pang-aabuso sa mga manggagawang Pinoy doon. Bakit ura-urada ay puwede na namang magpadala ng workers.

Hindi pa nga tapos ang imbestigasyon sa pagpatay kay Jeanalyn ay magpapadala na agad ng OFWs. Ano na ba ang status ng kasong pagpatay kay Jeanalyn na ginahasa muna bago pinatay ng kanyang mga amo? ‘Di ba’t nagalit ang Pilipinas lalo na si Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin sapagkat hindi kasama sa report ng Kuwait government ang panggagahasa sa kawawang Pinay.

Naalala ko pa na sinabi ni Locsin na kung ano ang inu­tang ay siya ring kabayaran. Gusto niya na pagbayaran din ng buhay ng mga salarin ang ginawa nilang pagpatay kay Jeanalyn. Tumanggi si Locsin sa iniaalok na “blood money” ng mga pumatay kay Jeanalyn.

Napakasaklap ng mga nangyayari sa Pinay domestic helpers sa Kuwait. Ilang Pinay na ang pinatay sa bansang iyon at ngayon ay maaari na namang madagdagan dahil sa pag-aalis ng ban. Sa aking palagay mauulit na naman ang mga pang-aabuso, pagmamaltrato at pagpatay. Mayroon na namang gagahasain at papatayin na Pinay!

Ilan sa mga kaawa-awang Pinay na nagbuwis ng buhay ay sina Joanna Demafelis at Constancia Dayag. Namatay sila dahil sa pagmamalupit ng kanilang mga amo.

Karumal-dumal ang ginawa kay Joanna ng kanyang mga amo na naglilingkod sa mga ito bilang domestic helper simula 2014. Noong Pebrero 2018, nakita sa freezer sa isang abandonadong apartment ang bangkay ni Joanna. Pinatay sa bugbog at saka inilagay sa freezer.

Karumal-dumal din ang ginawa kay Dayag, noong Mayo 2019 na namatay dahil sa bugbog at umano’y ginahasa pa.

Natatakot ako na muling maulit ang mga nangyari kina Jeanalyn, Joanna at Constancia. Sana hindi muna pinayagang magpadala ng OFWs sa Kuwait. - Juan Malimbanan, Kamagong St., Makati City

KUWAIT OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with