Si alyas Dennis ‘Pisngi’ ang ‘coronavirus king’ sa NAIA
ORAMISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2020 - 12:00am

HINDI biro ang natatakot na madlang employees sa mga international terminals sa NAIA lalo’t dumarating dito ang mga eroplano from China.

Bakit?

Dahil sa 2019 novel coronavirus!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si alyas Dennis “Pisngi” ang tinatawag ngayong “coronavirus king” ang walang takot na sumasagupa sa mga paparating na mga Chinese nationals sa NAIA para salubungin ang kanyang mga kliente at magkapera sa mga Intsik.

Ika nga, P2,500 ang hatag per head kay coronavirus king?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sa puntong ito, malamang masibak na si alyas Dennis “Pisngi” sa kanyang puesto kahit na matindi si bossing “Manny” niya sa itaas ng langit.

Kinabubuwisitan na ito ng mga opisyales sa BI dahil malakas mambukol at gumawa ng pera.

Ika nga, solowista ang kamote!

Kambyo issue, sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkaroon ng minor na balasahan sa airport yesterday. Isang lady immigration ang natanggal sa puesto dahil pa bright-bright ito kaya naman doon siya sa dapat niyang kalagyan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, baka sa mga susunod na araw ay ang mga terminal head sa NAIA-BI naman ang diumano’y mababalasa?

Bakit kaya?

‘Yan ang itanong ninyo sa balasador este mali sa bossing ninyo!

Abangan.

 

CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with