EDITORYAL - Vaccination sa mga bata gawing mandatory
EDITORYAL - Vaccination sa mga bata gawing mandatory
(Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MAY bagong kaso ng polio sa bansa. Noong nakaraang linggo, isang tatlong taong gulang na bata sa Quezon City ang nireport na may polio. Uma­bot na sa 16 ang mga batang tinamaan ng polio sa buong bansa makaraang bumalik ito makalipas ang 20 taon. Ayon sa Department of Health (DOH) nakita ang presensiya ng polio virus sa mga tinesting na tubig sa mga estero noong 2019. Nagkaroon nang malawakang polio vaccination noong nakaraang taon sa buong bansa pero hindi pa sapat sapagkat maraming sumusulpot na bagong kaso.

Noong nakaraang taon, nanalasa rin ang tigdas hindi lamang sa Metro Manila kundi sa Calabarzon, Central Luzon at Central at Wertern Visayas. Mahigit 60 ang namatay na kinabibilangan ng mga bata na may edad tatlong buwan hanggang apat na taong gulang. Maraming ginamot sa San Lazaro Hospital. Madaling makahawa ang tigdas sapagkat sumasama ito sa hangin. Kapag nalanghap, doon na magsisimula ang pagkalat ng virus. Nagkakaroon ng kumplikasyon kaya may namamatay.

Maski si President Duterte ay nanawagan sa mga magulang na pabakunahan laban sa tigdas ang mga bata. Isang information campaign ang ginawa ng Presidente para mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga bata.

Isa sa itinuturong dahilan kaya maraming bata ang hindi nababakunahan ay dahil sa takot ng mga magulang na may mangyari sa kanilang mga anak. Nagkaroon sila ng phobia sa Dengvaxia sapagkat nang bakunahan ang mga batang mag-aaral noong 2017 laban sa dengue, marami umano sa mga ito ang namatay. Ayaw ng mga magulang na mapahamak ang kanilang mga anak.

Pinipilit ng Department of Health (DOH) na baguhin ang pananaw ng mga magulang ukol sa bakuna. Ligtas ang bakuna laban sa polio at tigdas kaya nararapat na dalhin ng mga magulang ang kanilang anak sa health center para mabakunahan. Kailangan ito para mailigtas sa kamatayan ang mga bata. Walang ibang gamot sa polio at tigdas kundi ang bakuna.

Mas maganda kung gagawin nang mandatory ang pagbabakuna para masigurong ligtas ang mga bata. Dapat gumawa ng isang batas na nag-uutos na pagkapanganak pa lamang ng sanggol, kailangan na itong bakunahan. Ang batas ay dapat iprayoridad na malagdaan ng Presidente. Ito ang paraan para ganap na makaiwas sa sakit ang mga bata.

DOH POLIO VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with