^

PSN Opinyon

Bawat prebilehiyo, may kaakibat na responsibilidad!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAY mga negosyong ang gusto ay kumita lamang. Wala nang pakialam sa sinasabing ethical standard. Ang hindi naiintindihan ng ilan, kaakibat ng prebilehiyong mapagkalooban ng license to operate and business permit ay responsibilidad.

Mukhang kailangang ipaalala ito ng BITAG sa isang pawnshop sa Cebu City na inireklamo sa Pambansang Sumbungan kamakailan. Hindi ko maintindihan kung ang kanilang estilo ay “sanla at your own risk”. Nilooban daw kasi ang pawnshop ng kanilang tauhan at nanakaw ang mga sanlang alahas.

Isa sa kanilang mga customer ang napadpad sa aming­ tanggapan at nagrereklamo. Ang sinanlang alahas ng kanyang pinsan sa pawnshop na ito, kasama sa mga nanakaw. Tinutubos na sana ito ng kanyang pinsan su­balit dahil nanakaw, hindi na ito maibalik ng pawnshop. Babayaran naman daw ng may-ari ang kanyang alahas subalit kapag binayaran na raw sila ng magnanakaw.

Aba kita mo nga naman ang business ethics ng pawnshop na ito. Hoy Uy-Sartagoda Pawnshop, wala akong pakialam kung malaki o maliit na negosyo lamang kayo, pero tutulungan kong ipaalala sa inyo ang tamang pagnenegosyo.

Ayon kay Atty. Batas Mauricio na aming resident lawyer, manakawan man ang isang pawnshop ay malaki ang pananagutan nito. Kargo ng isang sanglaan na managot sa mga nawalang alahas na naka-prenda sa kanila, mahuli man o hindi ang kawatan.

Pati ang pagbabayad ng danyos perwisyo sa mga may-ari o mga nagsangla ay obligasyon ng pawnshop. Dahil responsibilidad nitong pangalagaan ang anumang bagay na iprinenda, may insurance man ito o wala. Hindi uubra ‘yang baluktot na katwiran n’yong babayaran ang mga ninakaw na alahas sa may-ari kapag binayaran na rin kayo ng suspek. Bakit ‘di n’yo na lang sabihin sa customer na singilin na lang diretso ‘yung kawatan? Mga kolokoy kayo.

Eh ‘pag ganyan ang ipinilit niyong sistema, napapaisip tuloy akong magbakasyon sa Cebu ngayong kapaskuhan. Mabisita’t masorpresa etong pawnshop na ito kasama ang Business Permit and Licensing Office ng Cebu City. O sige, ‘yung iba pang biktimang customer na pinahihirapan ng sanglaang ito, makipag-ugnayan agad sa amin sa BITAG!

Mapapanood ang buong detalye ng sumbong sa aming Youtube Channel BITAG Official pati na rin sa aming official website na BITAGMedia.com

vuukle comment

BITAG

ETHICAL STANDARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with