7 pampatibay na kilos sa tagumpay ng kaso
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

NOON pang 2017 minungkahi ni noo’y-Supreme Court Justice Antonio Carpio ang pitong hakbangin para itaguyod ang tagumpay ng Pilipinas sa UN arbitration sa South China Sea. Patuloy kasing sinasakop ng China ang Scarborough Shoal, Reed Bank, Sandy Cay, at pitong bahura sa 200-milyang exclusive economic zone natin. Mga paglabag ito sa pasya ng UN court. Lumaban tayo sa larangan ng diplomasya at legal, ani Carpio:

(1) Makipag-tratado tayo sa Vietnam ukol sa boun­dary ng magka-patong nating extended continental shelf sa Spratlys, batay sa pasya na walang 200-milyang EEZ mula sa ordinaryong bahura lang. Pagtupad ito ng UN ruling sa paraang “state practice (nakagawiang kasunduan)”.

(2) Sa parehong prinsipyo at pakay, makipag-tratado sa Malaysia ukol sa boundary ng magkapatong nating EEZ at ECS.

(3) Pasimunuan ang kasunduan ng Vietnam, Malaysia, Brunei, Indonesia, at Pilipinas na wala sa atin mag-iimbento (di tulad ng China) ng 200-milyang EEZ mula sa munting bahura lang, para walang gulo.

(4) Mag-file ng ECS na 150-milyang dagdag sa ating EEZ sa West Philippine Sea. Tulad ito sa paghingi natin sa Benham Rise mula sa UN Commission on the Limits of the Continental Shelf. Kung umangal ang China batay sa “nine-dash line” ibabasura siya. Kung sabihin niya na napatungan ang ECS niya, pag-amin ‘yon na may 200-milyang EEZ tayo.

(5) Igiit ang pangingisda at pagmimina natin sa EEZ; pagbayarin ng danyos ang China kung harangin tayo, dahil labag siya sa pasya.

(6) Pagpatrolyahin ang Navy at Coast Guard at ipa-explore sa gobyerno ang Reed Bank. Kung atakihin sila ng China, malalabag at masasakatuparan ang RP-US Mutual Defense Treaty. Nagbabala na ang US anomang atake sa karagatan natin ay paglabag sa MDT.

(7) Kapag i-kongkreto din ng China ang Scarborough, ihabla muli, ipahinto at pagbayarin ito ng danyos dahil labag sa pasya na traditional fishing grounds ‘yon ng Pilipinas, Vietnam at China.

ANTONIO CARPIO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with