^

PSN Opinyon

Kailangang magpatuloy

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALA na talagang katapusan, o wala na talagang solus­yon? Limangdaang pulis na nakadestino sa New Bilibid Prisons (NBP) ang binawi at binalik sa headquarters sa National Capital Region Police Office. Ito matapos ang imbistigasyon sa 16 na pulis na nagpapasok umano ng sari-saring kontrabando tulad ng sigarilyo, alak at cellphones na binebenta sa mga bilanggo. Ang presyo umano ng alak ay nasa P10,000 hanggang P20,000 kada litro. Floating status ang 16 na nahulihan at kakasuhan kung mapatunayan. Eto na naman tayo.

Kapuna-puna na nahuli ang mga ito sa ilalim ng pamumuno ni BuCor chief Gerald Bantag na kinatatakutan umano. Mukhang hindi pa rin kinatatakutan kung nagpa­tuloy ang pagpasok ng mga kontrabando. At ang 16 na ‘yan pa lang ang nahuli. Hindi ako magtataka kung mas marami pang tiwaling pulis ang hindi lang nahuli. Ngayon nagpasok na naman ng mga bagong pulis sa NBP. Gaano kaya katagal bago may mahuli na naman? At bakit ba may mga ganyang pera ang mga bilanggo? Dumaan na ang NBP sa ilalim ni Dela Rosa at Faeldon, ganyan pa rin?

Kailangang magpatuloy ang “internal cleansing” ng PNP. Sa tingin ko mas mahalaga ito ngayon kaysa anu­mang kampanya ngayon. Kung tiwali ang pulis lumalaganap lang ang krimen sa lansangan. Nakikita natin na ito ang ginagawa ng mga pulis na nadedestino sa mga bagong lugar dahil sa utos na reshuffling ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa. Mga pangako na lilinisin sa scalawags. Pero ilang beses na rin nating narinig iyan. Sa totoo nga, ina­asahan ko iyan kay Gen. Oscar Albayalde. Pero luma­bas naman ang kontrobersiyal na nakaraan niya.

Kung nagiging mahigpit ang PNP sa kanilang kampanya kontra iligal na droga dahil utos ni President Duterte, dapat mas mahigpit sila sa mga tiwaling pulis. Malaking pagsubok ito para sa mga pulis na tapat sa serbisyo. Pati sila ay nakakaladkad sa putik dahil sa mga pulis na hindi makatiis sa korapsyon at krimen. Pag-aralan na rin ang paghiwalay ng Internal Affairs Service sa PNP para mas makakilos sa paghabol sa mga tiwali.

NEW BILIBID PRISONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with