Operasyon kontra obstruction tagumpay
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2019 - 12:00am

CONGRATS sa mga alkalde ng Metro Manila. Tagumpay­ ang isinagawang pagtatanggal sa mga obstructions o sagabal sa mga lansangan sa Metro Manila at buong bansa. Matrapik pa rin sa Metro Manila pero at least, natanggal ang isang dahilan ng pagsisikip ng trapiko at Iyan ay magandang panimulang hakbang.

Balita ko, masaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawa ng mga lokal na opisyal na clearing ng mga lansangan. Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, nasiyahan ang Pangulo sa isinumiteng report ng tanggapan matapos ang dalawang buwang operasyon.

Naiisip ko lang, magandang precedent ang sinimulan sa Maynila ni Mayor Isko Moreno. Dahil sa progresong nang­yari sa Maynila kaugnay ng pag-aalis sa mga sidewalk vendors at illegal parking, nagpasya ang Pangulo na ipag-utos ang pagsasagawa nito sa buong bansa.

Meron bang extraordinary power na ginamit para ma­ging tagumpay ang clearing operations? Wala. Kasi, ipina­tupad lang nang estrikto ang mga batas at ordinansang nagbabawal sa mga illegally parked vehicles at vendors. Political will din ang ginamit para buwagin ang mga estrukturang ilegal na nakatayo at nakahambalang sa mga daan. Hinahangaan ng marami si Mayor Isko. Pero kung tutuusin, ang ginawa lang niya ay ipatupad ang mga umiiral na batas. Iyan ay bagay na hindi ginawa ng mga nakalipas na opisyal.

Bakit hindi ito nagawa ng mga nakaraang local officials? Kasi, ang mga namumuno noon ay natatakot saktan ang taum­bayan na matatanggalan ng tirahan at pinagkaka­ki­taan kahit ilegal. Ang mga traditional politicians na ito ay takot mawalan ng boto pagdating ng eleksyon.

Anang DILG, umaabot sa 6,899 na mga lansangan ang natanggalan ng mga obstruction sa loob ng 60 araw. Sa bilang na ito, 612 ang nasa Metro Manila habang 1,148 na iba pang lokal na pamahalaan ang pasado sa validation ng DILG. 

Ang mga LGUs ay binigyan ng rating­ na high, medium o low compliance. Pero sa kabila nito, mayroon pa ring 98 local government units na hindi nakasunod sa direktiba ng Pangulo. Tanong - Ano ang gagawin sa mga opisyal na nabigo?

EDUARDO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with