^

PSN Opinyon

House of Reps simbilis ng kidlat!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

REMINDER sa mga Kongresista: huwag nang pilitin pang makapagsingit ng pork barrel sa panukalang 2020 budget dahil baka kayo tamaan ng African Swine Fever. Ayaw ni President Duterte at ni House Speaker Alan Peter Caye­tano iyan.

Joking aside, marami ang napahanga ng Kamara de Representante sa mabilis na pagtapos sa deliberasyon ng Kamara sa 2020 general appropriations bill sa committee level. Sinuyod mabuti para walang makalusot na pork barrel. Walang inaaksayang oras ang kamara sa pamu­­muno ni Speaker Cayetano na nakapagtala ng mga achievement na hindi nagawa ng mga nakaraang Kongreso tulad nang mabilis na pag-aapruba sa mga panukalang batas, lalo na ang mga prayoridad na programa ng Duterte administration.

Ibig na siguro ni Cayetano na walang pinalusot na pork barrel sa pambansang badyet. Iyan ang gusto ni Digong: “no pork.” Ibig din ng Pangulo na mabilis na mag­karoon ng maayos at komportableng buhay ang mga Pili­­pino kaya dapat maisabatas agad ang kanyang mga prio­­rity bills. Alam naman natin na ang pork barrel ay naga­gamit ng mga trapong Kongresista para magpa-epal kaya “hate” ito ng ating Presidente. 

Noong Martes, isinalang na sa plenary debate ang 2020 National Budget dahil nga maagang natapos ng House Committee on Appropriations ni Cong. Isidro Ungab ang pagtalakay sa bill noong Biyernes. Nito namang Lunes, dalawa pang  Priority Bills ni Digong ang lumusot sa ikatlo at huling pagbasa. Ito ay ang House Bill (HB) 304 o ang “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act” (PIFITA), at HB 300 o “Amendment of the Foreign Investments Act (FIA)”.

Ang PIFITA bill ay nagtamo ng 186 yes votes, 6 negative votes at 2 abstentions. samantalang ang FIA Amendment bill ay may 201 affirmative votes, 6 negative votes at 7 abstentions.

Aamyendahan ng  PIFITA bill ang National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997 at gagawa ng karampatang reporma sa pinansiyal na sektor ng bansa. Ayon kay Rep. Joey Salceda, pangunahing may-akda ng panukala,  magkakaroon ng magandang laban ang Pilipinas na makahikayat ng mga mamumuhunan na upang napondohan ang mga proyektong imprastraktura ng Pilipinas na makakatulong sa pagbibigay trabaho sa mga Pinoy.

Ang FIA Amendment bill na inakda ni Rep. Victor Yap ay sususog sa Republic Act No. 7042 o Foreign Investment Act of 1991.  Dito ay pahihintulutan ang mga dayuhan  na makapag-practice ng kanilang propesyon sa Pilipinas 

Tunay na walang kaparis at hindi natapatan ng alin mang mga nakaraang Kongreso ang nagawa ng House of Reps sa pangunguna ni Speaker Cayetano. Kaya naman todo puri Si Deputy Speaker, Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, Jr. sa mabilis na pag-apruba sa naturang mga priority bills. Palibhasa’y tutok-sarado ang kamara pati na sa plenary deliberations ng national budget na nag-uumpisa mula ala-una ng hapon hanggang alas 9 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes upang masiguro na maaprubahan ito bago mag-Oktubre 4.

Keep up the good Work House of Reps!

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with