^

PSN Opinyon

Kawawang attorney (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG reklamo ng disbarment laban sa isang abogado ay isang kasong administratibo at paraan din para siya maparusahan o madisiplina ng kanyang mga kapwa abogado. Ibig sabihin, mabigat ang kapalit nito sa kinasuhang abogado. Maaaring matanggalan siya ng ikabubuhay dahil mababalewala ang lahat ng paghihirap niya sa pag-aaral, pagtatapos ng kursong abogasya at pagiging miyembro ng Bar kahit pa nakapasa na siya sa eksaminasyon para magtagumpay na maging abogado.

Kaya ang reklamo ng disbarment ay nararapat lamang na base sa katotohanan at alinsunod sa batas. Ang kasong administratibo na ito ay halimbawa ng walang kuwenta at walang basehan na paratang.

Ang kasong ito ay tungkol kay Attorney Panero. Isang abogadong humahawak ng iba’t ibang kaso sa lipunan. Isa sa mga kasong hawak niya ay tungkol sa sari-saring kasong administratibo at kriminal na isinampa ng kanyang kliyente laban kay Eddie at may kinalaman sa imoralidad at sa pagpeke ng mga dokumento sa pinapasukan nitong eskuwelahan.

Bilang ganti, sinampahan niya si Attorney Panero ng kasong libelo dahil sa pagsulat at pagkakalathala ng abogado ng sulat nito sa DepEd secretary na nagbubunyag ng mga kasong administratibo at kasong kriminal na isinampa nito kay Eddie. Kinasuhan din niya ng kasong administratibo si Attorney Panero diumano tungkol sa pamemeke ng isang opisyal na dokumento. Pero binasura ng Court of Appeals ang kaso laban kay Attorney Panero sa kabila ng hatol ng RTC.

Pero kasunod nito, sinampahan na naman ng disbarment o kasong administratibo si Attorney Panero. Ang kaso ay isinampa ni Bella na anak ni Lina, isang kliyente ni Attorney Panero na may patung-patong na kaso ng estafa.

Sa reklamo ni Bella, pinaratangan niya si Attorney Panero na pinipilit siya na makipagrelasyon sa lalaki bilang kabayaran sa paghawak ng mga kaso ng kanyang ina. Pinangako rin daw ng abogado na ikukuha siya ng bahay na titirhan niya at bibisitahin siya isang beses kada araw. Ayon pa kay Bella, sinabi ni Attorney Panero na gagawa siya ng paraan para ipapatay ang misis para silang dalawa ang magkatuluyan at makapagpakasal.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAR

LAWMAKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with