Problema pa rin ang ilegal na droga
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2019 - 12:00am

TATLONG taon na ang nakalilipas mula nang ipag-utos ni Pres. Rodrigo Duterte ang paglumpo sa drug traffickers­ pero patuloy pa rin ang pamamayagpag ng salot na droga sa bansa. Kulang pa kaya ang pakikipaggiyera ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaya na­kakalusot sa kanilang mga kamay ang big time drug traffickers?

Halos araw-araw may nahuhuli ang mga pulis sa isina­sagawang buy-bust operation at may mga napapatay pa subalit hindi na ito kinakatakutan. Dito sa Metro Manila, halos hindi na natutulog si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Guillermo Eleazar sa pagmonitor sa kanyang mga tauhan na nagsasagawa ng operasyon kontra droga. Mula nang umupo si President Duterte, bumaba ang krimen at nabawasan ang mga adik sa kalye dahil sa walang humpay na pagtatrabaho ng mga pulis.

Tila nag-iiba na ngayon ang estilo ng drug pushers dahil sa mga condominium na ginagawa ang transak­syon ng droga at pati na ang paggamit nito upang malansi ang mga pulis. Maging ang mga prominenteng tao ay lumi­linya na ngayon sa pagtutulak ng droga.

Halimbawa na lang ay sa Bonifacio Global City na ilang beses nang sinalakay ng mga tauhan ni Eleazar na kung saan nakakumpiska ng bultu-bultong shabu at ecstacy sa condominium unit. Sa squatter’s area naman, ginagawang hanap­buhay ang pagbebenta ng droga dahil madaling­ pagkakitaan. Kaya kapag natunton ito ng mga pulis kadalasang nauuwi sa malagim na kamatayan ang sagupaan.

Sa tala ng Philipine National Police (PNP) umabot na sa 6,847 ang napapatay na drug suspect mula noong Hulyo 1, 2016 hanggang Hulyo 2019. May kabuuang 256, 536 drug pushers/users na ang nahuhuli sa 163,767 police operation nationwide. Sa datos pa ng PNP tinatayang 1, 284,492 na ang sumukong pushers at users sa “Oplan Tokhang”. Subalit patuloy pa rin ang pamamayagpag ng droga. Ilan sa mga sumusuko ang bumabalik sa pagtutulak.

Dapat madaliin na ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang pagpasa ng death penalty law. Kailangan na talagang ipataw ang bitay sa drug traffickers para magsilbing babala. Alam ni Bato na numero unong problema ng bansa ay droga dahil naging hepe siya ng PNP at pasimuno ng ‘Oplan Tokhang’. Nararapat atupagin niya ang pagpapasa ng bitay. Abangan.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with