Bayad-utang na loob
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2019 - 12:00am

MULA sa baba hanggang mataas na puwesto sa lipunan­ ay nakatatanggap ng regalo sa sinumang napagka­looban ng tulong. Maliit na bagay lamang ito kung ating susu­mahin. Tayong mga Pilipino ay mayroong kul­tu­rang tinatawag na utang na loob kung saan nagbibigay ng pasubali ang natulungan sa pamamagitan ng munting regalo.

Para sa akin wala akong nakikitang mali sa sinabi ni Pres. Digong na puwedeng tumanggap ng regalo ang mga pulis. Ako mismo, hindi ko maiwasang magbigay ng konting gantimpala sa mga taong tumutulong sa akin kahit sa simpleng paraan.

Halimbawa tuwing akoy tumatawid sa pedestrian lane at kapag naghihintay ako ng taxi, merong mga traffic enforcer na tumutulong sa akin bilang ganti binibigyan ko sila ng konting meron ako. Wala kaming nilabag na batas dahil kusang loob ko itong binigay. Hindi man sila humingi ng kapalit pero nasa atin na kung magkukusa ba tayong tulungan ang mga taong tumulong sa atin.

Hindi naman porke’t tumanggap na ng regalo ay matatawag na natin itong suhol. Oo nga’t may mga kotong cops sa samahan pero mas marami pa rin namang matitino sa hanay ng pulisya. Ang suhol ay halimbawang may violation ang isang motorista at idinaan na lang sa usapan upang hindi na nagkatiketan pa.

O kaya naman, pinara ang isang motorista kahit na walang nagawang violation at humingi pa ito ng pa­dulas, ‘yun ang suhol. Diyan sa BIR at Bureau of Customs, hindi masawata ang suhulang nangyayari. Milyones ang transaksyon.

Iwasang bigyan ng kulay ang regalong natatanggap, hindi naman nila ito hiningi kundi kusangloob na binigay ng mga taong tinulungan. Marapat lamang na sila’y gantimpalaan.

BUREAU OF CUSTOMS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with