^

PSN Opinyon

Dedo ang karibal

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling  bahagi)

NANG iapela ang kaso sa Court of Appeals ay nabago ang hatol. Imbes na murder ay homicide lang daw ang kanyang ginawa dahil hindi naman napatunayan ang treachery o kataksilan pero pinagbabayad pa rin si Jerome ng danyos. Hindi pa rin kuntento ay umapela pa rin si Jerome hanggang sa Supreme Court at ang katwiran ay hindi naman daw kapani-paniwala ang testimonya ni Mitch at hindi magkakatugma ang kanyang salaysay at sinabi patungkol sa bago nangyari ang pamamaril. Nagkamali rin daw ang CA nang ikunsidera nito ang mga dating hatol sa kanya sa murder, homicide at attempted murder. Mayroon din daw siyang solidong alibi at negative ang ginawang paraffin test sa kanya kaya ibig sabihin ay hindi siya nagpaputok ng baril dahil walang nakuhang pulbura sa kanyang kamay.

Hindi kinampihan ng Supreme Court ang argumento ni Jerome. Hindi raw nakaapekto sa kredibilidad ni Mitch ang kanyang mga kinikilos bago ang insidente ng pamamaril at ang kanyang mga pagkakamali sa korte. Hindi siya nagkaroon ng problema sa pagkilala kay Jerome bilang killer dahil halos isang metro lang ang layo niya nang barilin ni Jerome si Nathan. Isa pa ay naiilawan ng nakasinding lampara ang sala kaya nakilala niya si Jerome.

Tungkol naman sa binanggit ng CA na tatlong naunang krimen na kinasangkutan niya, hindi naman ito ang naging basehan sa naging parusa ni Jerome. Binanggit lang ang tungkol sa mga nauna niyang kaso dahil sineryoso ni Mitch ang kanyang death threat. Ang talagang naging basehan para siya makulong ay ang positibong pagkilala sa kanya ni Mitch.

Sa kabilang banda, hindi uubra ang depensang alibi. Hindi naman napatunayan ni Jerome na wala siya sa pinangyarihan ng krimen at hindi imposible sa kanya para magawa ito. Sa kasong ito, si Jerome na mismo ang umamin na ang layo sa pagitan ng bahay ni Mitch at ng taniman ng tabako ay 400 metro lamang at kayang lakarin sa loob ng walong minuto. Hindi imposible kay Jerome na makapunta sa pinangyarihan ng krimen noong mangyari ang pagpatay. Isa pa ay hindi papahalagahan ang alibi kaysa sa positibong pagtuturo sa kanya ng testigo na walang motibo para siya akusahan ng hindi totoo.

Tungkol naman sa paraffin test, hindi porke negative ito ay hindi na siya nagpaputok ng baril lalo at kayang maalis ito sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay.

Nagkasala si Jerome sa krimen ng murder at hindi homicide dahil patraydor niyang ginawa ang pagpatay (1) ang paraan na ginamit niya ay siniguro niyang hindi makakapanlaban sa kanya ang biktima, (2) sinadya at pinagplanuhang mabuti ni Jerome ang paraan at paggawa sa pagpatay. Nagpalakad-lakad si Jerome sa kalsada ng barangay hanggang sa makita ang tamang pagkakataon para gawin ang kanyang masamang balak. Sinadya at ginamit niya ang lahat ng paraan para masiguradong hindi makakalaban sa kanya ang biktima at para na rin sa kanyang sariling proteksyon laban kay Nathan.

Tama lang na mahatulan si Jerome sa kasong murder at maparusahan ng reclusion perpetua o halos habang buhay na pagkakulong patin magbayad ng danyos sa mga naulila ni Nathan (Abalos vs. CA, RTC and People, G.R. 125434, December 22, 1999).

vuukle comment

COURT OF APPEALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with