^

PSN Opinyon

Ulyanin na ba si Enrile?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGTATAKA ako sa mga pahayag ni dating Senador Juan Ponce Enrile na wala ni isa man na ikinulong o ipinapatay ni dating Presidente Marcos dahil tumutuligsa sa kanya.

Hinangaan ng taumbayan si Enrile dahil sa kabila ng mahabang panahong nagpakasangkapan siya kay Marcos­, kasama siya ni dating Presidente Ramos na na­nguna sa EDSA People Power Revolution para patalsikin sa puwesto ang diktador noong 1986.

Si Enrile mismo ang umamin, matapos ang EDSA Revolution na ang pagkakaambus niya noong 1972 ay isa lamang moro-moro para bigyang hustipikasyon ang pagdedeklara ng martial law.

Siguro, nangunguna na sa mga political persona­lities na ipinakulong ni Marcos sa kanyang rehimen ay si  yuma­ong dating senador Ninoy Aquino dahil sa matin­ding pagbatikos nito sa Pangulo noong araw.

Kahit nga ang Malacañang na ngayo’y nakakiling kay Marcos ay umaamin na maraming kaso ng paglabag sa human rights ang dating Pangulo. Sabi nga ni Presidential Spokesman Hary Roque, may mga court rulings na nagpapatibay sa mga inaakusang human rights violations ni Marcos.

Sinabi ni Enrile na bukod kay “Lim Seng” na isang drug trafficker, wala nang iba pang ipinapatay si Marcos sa ilalim ng kanyang rehimen. Marahil nga ay totoo kung ang pinag-uusapan ay yung mga hinatulang mamatay ng martial law court noon.

Ngunit kung tutukoy tayo ng mga katakatakang pag­lalaho ng mga kalaban ni Marcos, isa na rito ang napa­balitang pagpatay sa kanyang dating kaalyado, ang manunulat na si Primitivo Mijares na pumait ang relasyon sa Pangulo magmula nang ang una ay kinalaban na ang Pangulo sa kanyang mga panulat.

vuukle comment

JUAN PONCE ENRILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with