^

PSN Opinyon

Tagumpay ng pag-asa

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KAYTAGAL ding hinintay ng lipunan ang resolusyon ng istorya ni Gen. Jovito Palparan sa salang kidnapping at se­rious illegal detention kina Sherilyn Cadapan at Karen Empeno. Kalagitnaan pa ng dekadang 2000 nang nabuo ang alamat ng kanyang pagiging berdugo. Ang reputasyong ito’y nakuha sa kanyang pagmamalabis hindi laban sa mga armadong kumokontra sa pamahalaan kung hindi sa mga non-combatant na sibilyan at aktibista. Isa ito sa mga naunang mga pasimuno ng EJK sa bansa. Sina Sherilyn at Karen ay dalawa lamang sa hindi mabilang na biktima ng kanyang madugong kampanya sa ngalan ng pamahalaan.

 Ang akala ng marami ay hindi na darating ang araw na makamit ng mga biktima ang katarungan. Ilang taon din itong nagtago matapos maisyuhan ng warrant of arrest noong 2011. Ang pinakamalala ay ang kanyang pagkatalaga bilang Kongresista ng Party List Bantay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, taong 2004-2009. Nangyari ito sa kabila ng mariing pagtuligsa sa kanya ng mga grupong kanyang nabiktima. Kaytagal din nitong naging untouchable.

 Ang desisyon ng Malolos Regional Trial Court ay napakaganda sa ganitong panahon na uhaw ang lipunan sa positibong balita. Katulad ng nangyayari nang ito’y nakapuwesto pa, para bang nasa kamay na lang ng mga armadong opisyal ang batas na dapat na pinapatupad. Hindi na sinusunod ang proseso – sila na mismo ang batas. Basura na lang ang karapatan ng pinupuntiryang kapwa mamamayan.

 Ang conviction ni Palparan ay patibay sa lahat na nananaig pa rin ang batas sa ating lipunan. Sa mga nag-uum­pisa nang mawalan ng pag-asa, huwag naman at may naiiwan pa ring mga lingkod bayan, tulad ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos Regional Trial Court, na maninindigan sa tama. Pag-asa ang tunay na nag tagumpay sa engku­wentrong ito.

vuukle comment

JOVITO PALPARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with