^

PSN Opinyon

Sex scandals sagutin lahat ni Pope Francis

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA Ireland nitong World Meeting of Families ng Simbahang Katoliko pinaka-mainit na paksang hinarap ni Pope Francis ang sex abuses ng ilang pari. Sarado Katoliko dati ang bansa, pero kamakailan, pumayag sa divorce at abortion na kontra sa doktrina.

Mas malala ang sumunod. Nilabas ng grand jury sa Pennsylvania, USA, ang sex abuses ng mahigit 300 pari sa 1,000 bata sa loob ng 70 taon. Sobrang laswa. Isang bata na minolestiya ng pari ay pinagkumpisal ng kanyang “kasalanan” sa pareho ring pari. Isang biktima ng paulit-ulit na gahasa ay nabalian ng likod, na-adik sa painkillers, at namatay sa overdose. Isa pang biktima ay pinag-pose nang hubad tulad ni Kristo sa Krus, habang nireretratuhan ng mga pari. Magsasampa ng mga sakdal.

Pinaka-grabe ang eskandalo ni Cardinal Theodore McCarrick ng Washington DC. Napatunayang nag-sex abuse ng bata sa New York. Tapos, nabisto ang “relasyon” sa tatlong adults sa New Jersey. Sumunod ang sa teenager at tatlong pari at seminarista nu’ng siya’y edad-60 nung dekada-1990. Tinanggap ni Pope Francis ang resignation ni McCarrick.

Hindi natapos doon. Nag-akusa si Archbishop Carlo Maria Vigano, dating Apostolic Nuncio (ambassador) ng Vatican sa USA. Maysala umano si Pope Francis. Dati na umanong pinagbawalan si McCarrick ni naunang Pope Benedict XVI na magmisa at sumapi sa mga pulong. Pero nu’ng naging Pope, inabsuwelto raw siya ni Francis at ginawa pang adviser sa pagtalaga ng mga bagong obispo at cardinal. Ito’y bagama’t binalaan umano si Pope Francis ni Vigano at tatlo pang matataas sa Vatican tungkol sa madidilim na lihim ni McCarrick.

Pinagre-resign nila ang mga sangkot. Ang naging tugon ni Pope Francis ay pagtahimik. Sinasabihan siya ngayon na ipaliwanag ang sarili. Kasi, kung hindi, lalo pa umano lalala ang sex scandals.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with