^

PSN Opinyon

Mga kontrapelong puro satsat!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAY mga tao talaga na kapag mainit ang isang isyu, aang­kas, sasakay at sasawsaw, may masabi lang. Katulad ng isyu sa tambay, di tinitigilan ng mga tropang kontrapelo na binubuo ng mga kritiko, makakaliwa at siyempre -- dilawan.

May basehan ang mga pulisya bago magsagawa ng operasyon at ito ay ang batas. Kaya si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, nagpahayag na tigilan na ng mga hijo-de-puto ang pagkondisyon sa isipan ng mga tao tung­kol sa mga tambay.

Tulad nitong Commission on Human Rights, napakaraming satsat! Ano raw ba ang ibig sabihin ng tambay? Ano raw ang saklaw at gaano kahaba ang operasyon?

Hello, self-explanatory ‘to! Simple lang naman ang ibig sabihin nyan, ‘wag n’yong gawing kumplikado, ‘wag n’yo lalong ginugulo. Kasi kayo, daldal nang daldal bobong pangangatwiran naman.

Palibhasa kasi ang karamihan sa inyo nakatira sa mga condominium, villages at subdivisions na may mga guwardiya. Hindi n’yo nakikita ang katotohanan, subukan n’yo kaya maglibot-libot sa lansangan minsan?

Ang sinasabi ng otoridad, ang mga tambay na luma­labag sa mga barangay at city ordinances katulad ng pani­nigarilyo sa publiko, pag-ihi kung saan-saan, pagkakalat, pambubulabog, pasimuno ng kaguluhan, pagsusugal sa gilid-gilid, walang pang-itaas na damit at pag-iinuman sa lansangan.

Hindi n’yo siguro alam na ang karamihan sa mga sang­kot sa mga gawaing ito, kapag sinuway mo na ay ikaw pa ang dehado dahil ang ilan sa kanila ay may dalang panaksak o armas para makapanakit ng tao.

Ang iba riyan, pera pa ng pamahalaan ang ginagamit pang-toma. Bakit? Aba malamang miyembro sila ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD. Nagsisibundatan ang mga tiyan kakatambay!

Ganyan ang sinasabi ni General Albayalde na tambay hindi ‘yung bibili sa sari-sari store. ‘Wag kayong magtanga-tangahan!

Makinig kayo, tama ang PNP! Gumagawa sila ng operasyon base sa ordinansa. At bawat siyudad may karapatang gumawa ng ordinansa. Pinuprotektahan lamang nila ang mga tao sa komunidad, crime prevention! Isaksak n’yo sa mga kukote para di malimutan!

Uulitin ko, nagsimula ito sa mga tambay, h‘wag n’yo nang bigyan ng kulay! Isuka n’yo ang ugaling tambay dahil wala naman ‘yang magandang idudulot sa komunidad. Hayaan n’yo ang mga pulis na gawin ang trabaho nila at mag-focus kayong mga kontrapelo sa inyong bakuran!

vuukle comment

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with