^

PSN Opinyon

Ganid na misis

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BUKOD sa pagiging hospitable, natural sa ating mga Pinoy ang pagiging family-oriented. Mga katangian na hinahangaan ng mga dayuhan sa ating bayan.

Ayon nga sa kasabihan, “A family that prays together, stays together.” Kaya naman ang pamilyang Pilipino, di basta-basta matitibag ng kahit na anong unos o pagsubok.

Pero paano kung ang mismong ilaw ng tahanan ay napundi at nagpakain sa kadiliman? Sa pagdaan ng panahon, makita pa kaya niya ang liwanag at magbalik-loob sa kabutihan?

Ganito ang istorya ng isang misis na lumapit sa amin sa BITAG Headquarters kamakailan. Taon 2004, ipinamana ng kanyang manugang ang titulo ng lupa sa Cagayan. Naisipan daw nilang mag-asawa na doon magpatayo ng bahay at tagumpay naman itong naisa­katuparan.

Matapos ang isang taon, iniwan ni misis si mister dahil butangero raw. Iniwan din nito ang tatlo niyang anak at nagpakasasa ng pamumuhay sa Maynila.

Dahil si mister na lamang ang nag-aalaga sa mga bata, nagmagandang loob ang kapatid nitong babae na tumulong sa pagpapalaki ng mga pamangkin.

Lumipas ang limang taon, umibig si misis sa isang security guard at sila’y nagsama. Taon 2016, namatay si mister sa probinsya at nang bumalik si misis, gusto na nitong palayasin ang tiyahin na nag-aruga sa mga bata!

Teka lang, may mali yata rito? Matapos mong iwanan, babawiin mo? Ang kapal naman ata ng mukha mo!

‘Yung titulo ng lupa, pinag-iinteresan mo, pero sa mga anak mo walang kang pakialam. Tapos gusto mo pa kaming kasangkapanin sa maitim mong plano.

Gusto ko linawin sa inyo mga boss, di porke’t lumapit kayo sa akin ay tutulungan ko na agad kayo. Si BITAG ito, mag-iimbestiga ako hanggang sa malaman ko ang tunay n’yong pakay.

Kung sa tingin n’yo hahayaan ko ang ganitong gawi? Neknek n’yo! Tatapyasin ko agad ang sungay na tumutubo sa matitigas n’yong bumbunan! Kahit anong mangyari, sa tama lang papanig ang Kilos Pronto!

‘Wag na ‘wag n’yo gagayahin si misis, mas mahal ang titulo kaysa sa mga anak niya! Alam ng Panginoon ang bawat galaw natin dito sa mundo kaya maging mabuti tayong tao. Bilang isang ina, iprayoridad n’yo naman sana ang inyong mga anak bago ang sariling kagustuhan.

vuukle comment

FAMILY-ORIENTED

HOSPITABLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with