Epekto ng babaing anak sa mga tatay
(Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2018 - 12:00am

LAKING tuwa ni King Midas nang gantimpalaan siya ng babaylan ng magic touch. Ano man ang hawakan niya -- halaman, kagamitan ay nagiging ginto. Lumago ang kayamanan niya. Di nagtagal nalungkot siya. Naging matigas na ginto nang himasin niya ang kanyang kabayo at alagang aso, at hindi na siya makakain at inom dahil nagiging ginto rin ito. Sukdulan nang paglapit ng anak na babae at halikan niya sa pisngi, ay naging estatwang ginto. Pinabawi niya sa babaylan ang agimat.

Maimpluwensiya ang anak na babae sa mga makapangyarihang ama. Nalinang ‘yan sa tatlong hiwalay na saliksik sa America nito lang. Napansin ni Prof. Ebonya Washington, Yale University, na mas mataas ang grado ng National Organization for Women sa mga kongresistang maraming anak na babae. Nire-rating ng NOW ang mga boto nila sa mga isyu tungkol sa women’s rights, gender equality, at reproductive health.

Sinuri nina Profs. Adam Glynn, Emory University, at Maya Sen, Harvard, ang mga desisyon ng mga huwes ng courts of appeals. Lumabas na ang mga huwes na may anak na babae ay madalas pumabor sa mga plaintiffs na babae, lalo na mga kaso ng mga babae at buntis.

Sinarbey nina Profs. Paul Gompers at Sophie Wang ang pagre-recruit ng mga partners ng venture capital corporations na ama ng mga babae. Nakita na mas marami rn silang empleyadong babae.

Malinaw sa tatlong saliksik na mas masimpatya ang mga ma-poder na ama sa mga babae at isyung may kinalaman sa kanila.

Umaasa ang mga botanteng Amerikano na maiimpluwensiyahan ni Ivanka Trump ang mga kilos at pasya ng amang si U.S. President Donald Trump. Kasi, opisyal na adviser siya sa White House. Pero ani Ivanka, mali na asahang mababago niya ang pananaw at agenda ng ama. Katunayan, inatras ni Trump ang America sa Paris accord on climate change -- bagamat nakiusap si Ivanka na huwag. Pakay ng accord na bawasan ng mga bansa ang carbon emissions. (Halaw sa The Economist)

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with