^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag hayaang mamatay ang sinimulan sa EDSA

Pilipino Star Ngayon
 EDITORYAL - Huwag hayaang mamatay ang  sinimulan sa EDSA

GUGUNITAIN bukas ang ika-32 anibersaryo ng unang EDSA People Power revolution. Tat­lumpu’t dalawang taon na ang nakalilipas mula maganap ang rebolusyon na walang dumanak na dugo. Ipinakita ng mga Pilipino sa buong mundo na sa pamamagitan nang pagkakapitbisig ay napatalsik sa puwesto si Pres. Ferdinand Marcos. Dalawampung taon sa puwesto si Marcos at maraming sinikil ang karapatan mula nang ideklara ang martial law noong 1972. Maraming dumanas nang hindi makataong pagpapahirap mula sa mga sundalo. Maraming pinatay at ang mga bangkay ay hindi na natagpuan. Maraming itinapon sa talahiban at may mga lumutang sa ilog at sapa. Maraming nilabag ang karapatan.

Isang malaking aral na nakuha sa EDSA ay ang katotohanan na maaaring patalsikin ang lider na natakawan sa kapangyarihan. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama, kayang itumba ang konkretong trono ng gahamang lider. Puwedeng palayasin ang nagmamalabis na lider sa pamamagitan ng pagkakaisa. Nabahag ang buntot ng gahamang lider nang makitang hindi natitinag kahit sagasaan ng tangke ang mga taong nagbarikada sa EDSA. Walang mas makapangyarihan sa bigkis-bigkis at pagsasama-sama ng mga tao. Ito ang pinakamatibay na kalasag laban sa nagmamalabis na pinuno at wala nang iba pa. Dahil sa ipinakitang ito, marami na ring mamamayan sa ibang bansa ang ginaya ang people power at nagtagumpay din sila sa pagpapatalsik sa kanilang pinuno.

Huwag kalilimutan ang sinimulan sa EDSA. Ala­lahanin bawat taon ang ipinamalas na pagkakaisa sapagkat ito ang magpapalakas sa diwa ng bawat isa sakali’t may mga lider ng bansa na umabuso muli sa kapangyarihan. Ang alaala ng EDSA ang magpapalakas sa loob ng bawat isa para muling labanan ang mga magmamalabis na pinuno. Sa pag-alaala sa EDSA, mahahadlangan ang mga lider na magsasamantala lamang sa bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with