^

PSN Opinyon

Mabuti hindi sinaktan?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PASALAMAT at hindi sinaktan? Ito ang pahayag ni Presidential Security Group chief Brig Gen. Lope Dagoy. At babae pa ang dapat magpasalamat na hindi sinaktan? Ibig bang sabihin, puwedeng saktan kaya pasa­lamat na lang at hindi? Ano ba ang ginawa ng reporter ng Rappler at kailangang masaktan siya? Sinaktan ba ang sundalong tinatanong? Nagtanong lang nang nagtanong si Pia Ranada, insulto na sa sundalo niya? At ano namang klaseng sundalo ang mananakit ng hindi armadong babae, kung nagkataon?

Hindi talaga magandang panahon maging babae ngayon. Bukod sa lahat ng mga “biro” kung saan mina­maliit o binabastos ang babae, ganyan pa ang mari­rinig natin mula sa hepe ng PSG. Talagang lahat ng malapit sa pangulo ay ganyan na rin ang kaugalian. Lahat nagmumura, lahat puro pananakit ang nasa isip, patayin ito, patayin iyan, usaping gahasa na tila biro lang ang maging biktima nito. Mga birhen na pwedeng ialay sa mga negosyante. At ngayon may mga nagsasabing kasalanan pa ng babae kung bakit ginahasa at mga la­laki lang iyan. Ganyan ang panahon ngayon. Lahat puwedeng magbanta, magmura, manliit ng babae, kasi uso at sikat ngayon.

Mabuti na lang at may mga taong katulad ni DND Sec. Delfin Lorenzana. Binatikos niya ang mga pahayag ng hepe ng PSG. Wala raw sa lugar, at anuman ang pagkakasala ng Rappler, hindi dapat saktan o binabantaan ng ganyan. Iyan, galing din sa isang sundalo. Sundalo ng ibang panahon sa Pilipinas. May magalit naman kaya sa kanyang mga pahayag? May bumulong kaya sa mga diyos sa Palasyo na hindi maganda ang mga sinabi laban sa hepe ng PSG, ang nagbabantay sa pangulo? Baka lumabas bigla ang mga biyahe ni Sec. Lorenzana sa ibang bansa.    Dahil sigurado ako na hindi si Dagoy ang mapagsasabihan. Hindi nga daw siya ang dapat humingi ng paumanhin, kundi ang babaing reporter. Talagang mas mataas na ang posisyon ng miltar at pulis ngayon sa mamamayan. Sila ang dapat respetuhin sa lahat ng oras, hindi kabaliktaran. Iba na nga ang panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with