^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sa wakas, bibilis na ang internet

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sa wakas, bibilis na ang internet

ISA sa mga wish nang maraming Pilipino ay bumilis ang internet connection sa bansa. Napapag-iwanan ang Pilipinas ng mga karatig bansa sa Asia kung ang pag-uusapan ay ang internet connection. Nakakahiya tuloy ialok sa mga dayuhan ang ganda ng bansang ito dahil sa kabagalan ng internet. Isa nga sa mga hinahanap ngayon ng mga dayuhan sa bansang kanilang pupuntahan ay kung mabilis ang internet connection. At dahil nga pinakamabagal ang Pilipinas, mas ginugusto pa ng mga dayuhan na magtungo sa Bangkok, Thailand sapagkat mabilis ang internet doon. Walang problema sa pakikipagkomunikasyon doon kaya naman mas pinipili ang Thailand. Ayon sa report, pang-91 ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamabagal na internet connection. Sa bagal, marami ang napapamura sa inis.

Bukod sa Thailand, mabilis din ang internet connection sa Vietnam, Indonesia at maski sa Bangladesh. Kung tutuusin ay mas maunlad ang Pilipinas kaysa Bangladesh pero kahanga-hanga ang bilis ng internet doon.

May nakikitang problema sa mga telecommunication companies kaya ganito kabagal ang internet connection. Sabi ng mga expert, hindi naman talaga dapat maging problema ang internet connection sa bansa. Kung tutuusin, madaling maibibigay ng dalawang telecommunication companies sa publiko ang hinihiling na bilis ng internet pero tila walang pag-asa. Sabi pa ng experts, ang problema sa cell sites ang dahilan kaya superbagal ang internet sa bansa. Mayroon lamang umanong 15,000 cellsites sa bansa kumpara sa Thailand na 52,483 cellsites; Vietnam, 55,000; Indonesia, 76,477; at Bangladesh, 27,000. 

At ang problemang ito sa internet ang dahilan kaya inanyayahan ni President Duterte ang China Telecom sa bansa. Malaki ang paniwala ni Duterte na kapag nakapasok ang China, magkakaroon na nang mabilis na internet. Magkakaroon ng kumpe­tisyon. Magsasagawa ng pagbabago at hindi na lamang kung ano ang nakagisnan ang pagtitiyagaan.

Maganda ang hinaharap kapag nagkaroon ng pagbabago sa internet connection. Kapag mabilis ang internet sa bansa, dagdag puntos para puntahan tayo ng mga dayuhan o turista. Hindi na nakakahiya ang kalagayan natin na napag-iiwanan sa larangan ng internet.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with