Sakit sa kidneys: Paano malalaman?
(Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2017 - 4:00pm

PARAMI nang parami ang mga Pilipinong nagkakasakit sa kidneys. Ang hinala ng mga eksperto, dahil sa pagkain ng fast foods, sitsirya at sobrang maaalat. Kahit ang mga kabataan ay nagkakasakit na rin sa kidneys.

Mapalad at nakausap ko si Dra. Elizabeth Montemayor, isang tanyag na kidney specialist. Paano ba natin malalaman kung nasisira na ang kidneys? Heto ang kanyang paliwanag.

1. Tingnan ang iyong risk factors -- Kung mayroon kang diabetes o high blood pressure, kailangan mong bantayan maigi ang iyong kidneys. Ang diabetes at high blood pressure ay nakasisira sa kidneys pagkaraan ng limang taon pataas. Bantayan at ikontrol ang antas ng iyong blood sugar at blood pressure. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng diyeta, ehersisyo at pag-inom ng maintenance na gamot.

2. Huwag maghintay ng symptoms – Kadalasan ay walang nararamdaman ang mga taong may sakit sa kidneys. Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi. Huwag nating paabutin sa ganitong kondisyon bago magpagamot.

3. Magpa-urinalysis -- Makikita sa urinalysis kung may impeksyon, may dugo o may protina sa ihi. Kapag nagpositibo sa albumin o protein sa urinalysis, ay maaaring may sakit na sa kidneys. Magpatingin sa isang kidney specialist.

4. Magpa-check ng Creatinine sa dugo – Kapag mataas ang iyong creatinine level, ang ibig sabihin ay posibleng may sira na ang iyong kidneys. Kadalasan ay tumataas lamang ang creatinine kapag may 50% damage ang kidneys. Huwag itong balewalain. Magpatingin agad sa doktor.

Para mapangalagaan ang kidneys, sundin ang mga payong ito:

1. Bawasan ang alat sa pagkain.

2. Limitahan ang protina sa pagkain. Mas kumain ng isda, gulay at prutas.

3. Iwasan o limitahan ang pag-inom ng pain relievers (gamot sa kirot). Huwag lalampas sa isang linggo ang pag-inom.

4. Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw.

5. Ang pinakamahalagang payo sa lahat: Uminom ng gamot para makontrol ang iyong high blood pressure at diabetes. Kumonsulta sa doktor para malaman ang tamang gamutan sa iyo.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.