^

PSN Opinyon

Mr. President ‘wag kunsintidor

AKSYON NGAYON - Pilipino Star Ngayon

NOONG mga nakaraang araw, madalas sabihin ni Pre­si­­dente Duterte na siya’y nasa likuran ng mga alagad ng batas na tumutupad sa tungkulin lalo na sa war on drugs. May mga tagubilin pa siyang “pumatay ng 30” mga drug personalities araw-araw. Ngunit sa hindi inaasahan, isang inosenteng binatilyo ang napatay ng mga pulis sa Caloo­can, na ayon sa forensic examination na isinagawa ng Public Attorneys Office ay walang palatandaang nanlaban. Baka nahimasmasan ang Pangulo.

Ang Pangulo mismo ang nagbigay katiyakan na pa­pa­­rusahan ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa 17-taong gulang na estudyante na si Kian Delos Santos kung mapapatunayan na sila ay nagkasala. Nangamba marahil ang Pangulo na maraming mamamayan sa iba’t ibang sulok ng bansa ang nagpahayag ng pagkagalit sa pangyayari. Marami rin sa mga ito ay kanyang mga bo­tante noong nakaraang eleksyon.

Sa isang press conference sa kamakalawa ng gabi, sinabi ni Duterte na kapag lumabas sa imbestigas­yon na dapat kasuhan ang mga pulis ay dapat silang humarap sa paglilitis. Kaya nga handa na ang pamilya ni Kian, sa tulong ng Public Attorneys Office (PAO) na magsampa ng kaso laban sa tatlong pulis na kumitil sa buhay ng binatilyo.

Dapat na talagang baguhin ng Pangulo ang kanyang pagtrato at pagkunsinti sa mga pulis. Ang pangyayari kay Kian, kahit sabihin pang “isolated case” ay nagpapatunay na maaaring umabuso ang mga pulis dahil lumaki na ang loob sa patuloy na pangungunsinti sa kanila ng Pa­ngulo.  

Anang Pangulo, agad niyang tinawagan si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa at ipinag-utos na ikulong ang mga pulis na sangkot ng makita niya ang tape ng CCTV nang paghuli kay delos Santos.

Inihayag rin ni Duterte na hindi naman niya kailangan pang lektyuran ang mga pulis tungkol sa tamang paghuli ng mga suspek. Tama siya. Pero sa mga nakalipas niyang pahayag, kahit ako pa ang pulis ay lalaki ang loob ko dahil buo ang suporta ng Pangulo sa akin, kahit ano ang gawin ko. Okay lang sumuporta basta sa tama lang.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with