^

PSN Opinyon

Kuwarantenas ng manok

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

IPINAGBAWAL na ang pagdala ng manok mula Luzon sa ibang bahagi ng bansa, dahil sa pagkalat ng bird flu sa Pampanga. Ito ang unang pagkalat ng nasabing sakit sa manok sa bansa, kaya tila nagdudulot ng pangamba at takot sa lahat. Ang suplay ng manok na manggagaling sa ibang bansa para sa Visayas at Mindanao ay hindi na dapat ilabas sa Metro Manila. May mga checkpoint na ring itinayo ang militar para bantayan kung may mga magpipilit na ilabas ang manok mula Luzon. Noong Linggo ng umaga, nasabat ang kahong-kahong itlog ng manok, pugo at iba pang kagamitan palabas ng San Luis, Pampanga. 

Hindi naman mahahawa ang tao sa nasabing sakit ng manok, kaya wala naman daw dapat ipangamba ang publiko. Pero kailangang labanan ang pagkalat ng sakit, kaya nagiging mahigpit ang gobyerno sa kuwarantenas. Ilang daanglibong manok ang kailangang patayin para lang hindi kumalat ang sakit. Sigurado may epekto ito sa presyo ng manok itong darating na linggo. Nagiging matumal na nga ang benta ng manok dahil sa balita. Babantayan ang mga manok ng halos isang buwan kung magkakasakit pa o hindi, bago sabihin na wala nang bird flu. Sa ngayon, ganito ang sitwasyon.

Inasahan din ng Palasyo ang publiko na binabantayan rin ang presyo ng manok. Hindi kasi malayo na may mga mananamantala sa sitwasyon, at itaas ang presyo ng mga manok na “garantisadong walang sakit”.  Lumalabas naman ngayon na noong Mayo pa lang ay may mga indikasyon ng bird flu sa San Luis, pero hindi pinaalam ng mga nagpapalaki ng manok sa otoridad. Ngayon, kumalat na nga. May pananagutan ba ang mga nagpapalaki ng manok sa kanilang hindi pakikipag-ugnayan kaagad sa gobyerno?

Inaasahan na hindi magiging laganap ang bird flu tulad ng naganap sa Hong Kong noong 1997, kung saan ang bird flu na tumama ay puwedeng hawakan ang tao. Ganun pa man, nagiging maingat nang husto ang gobyerno. Tama lang na maging mahigpit sa mga checkpoint. Tama lang na ipagbawal ang paglabas ng manok at iba pang poultry products mula sa lugar na tinamaan. Para sa lahat naman ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with