^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maging alerto sa terorismo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maging alerto sa terorismo

SABI ni President Rodrigo Duterte pagkaraang ideklara ang martial law sa Mindanao, magiging marahas siya sa mga teroristang suma­lakay sa Marawi City. Wala umano siyang choice kundi ideklara ang martial law para mapigilan ang Maute Group at Abu Sayyaf na umano’y nakakakuha ng suporta sa ISIS. Desidido siyang tapusin na ang mga terorista. Kung gusto ng mga ito nang patayan, iyon ang ipagkakaloob niya.

Sumalakay ang Maute at Sayyaf noong Martes sa Marawi at pinasok ang ospital at nanunog ng simbahan. Isang pari at ilang church workers ang dinukot ng mga terorista pero ayon sa military, 120 hostages ang kanilang na-rescue kahapon.

Matindi pa ang bakbakan kahapon sa Marawi at patuloy ang exodus ng mga residente. Mara­ming sundalo pa ang ipinadala sa lugar. Nagkaroon ng air strikes at walang tigil ang pag-ikot ng mga tangke sa buong lungsod. Nagkaroon ng mga pagsabog sa mga gusali na umano’y kinaroroonan ng mga terorista. Ayon sa AFP, selyado na ang posibleng pagdaanan ng mga tatakas na terorista.

Marahas nga ang ipinalalasap sa mga tero­rista at maaaring hindi na sila makaalis nang buhay sa Marawi dahil sa operasyon ng military. Pero dapat din namang maging alerto ang mamamayan sapagkat maaaring may mga nakalusot na tero­rista sa military. Ayon sa report, kapag wala nang baril ang mga miyembro ng Maute at nakihalo na sa mga residente, hindi na sila mapaghihina­laang terorista. Kaya dapat maging matalas ang pakiramdam ng mga residente at agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang mga kahina-hina­lang tao sa kanilang lugar. Ang pagtutulungan sa pagkakataong ito ang magiging susi para ganap na malipol ang mga terorista.

Huwag maging kampante ang bawat isa. Kahit pa magiging marahas si Duterte o ang pamahalaan sa mga terorista, hindi pa rin dapat magwalambahala ang lahat. Maging mapagmatyag sa mga maghahasik ng terorismo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with