^

PSN Opinyon

Photobomber panalo

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS ang magdadalawang taon ding TRO o pan­samantalang pagpapatigil sa DMCI na ipagpatuloy ang konstruksiyon ng Torre de Manila, kahapon ay pinayagan na rin ng Korte Suprema na ipagpatuloy na ito. Napagpasiyahan din sa wakas ng mga mahistrado ang petisyon laban sa Torre. 

Sa botong 9-6, tinalikuran nila ang hinaing ng Knights of Rizal at ng may kalakihan ding sektor ng lipunan na isalba ng Korte ang monumento, Anila’y masasalaula ang imahe kapag matayuan nga ng higanteng photobomber ang background. Ilang dekada na nga namang iningatan na walang itatayo na kahit anong mataas na istruktura para sa lahat nang anggulo ay walang haharang sa hitsura ng ating pambansang bayani.

May kontra argumento sa ganitong pagbigay ng proteksiyon. Dahil apektado ang karapatan ng may-ari ng mga lote sa paligid, para hindi makatarungan sa kanila ang limitasyon sa kalayaang gamitin ang pag-aari. 

Hindi pa nilalabas ang kabuuan ng desisyon subalit malinaw na mas kinilala ng Korte ang interes ng mga nabubuhay kaysa anumang sentimyento ng madla. At nilinaw nga ng court spokesman na si Justice Teddy Te na hinanapan ng Korte kung may batas na sasakop sa sitwasyong ito. Wala rin silang maipakitang batas.

Dahil sa desisyong ito, dadagsa na rin ang apli­kas­yon ng mga iba pang developer na magtayo rin ng mataas na building sa paligid ng Luneta.

vuukle comment

TRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with