^

PSN Opinyon

Ang batas ay para sa lahat

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

Mukhang may pasasabugin na namang bomba ang administrasyon. Ipinahiwatig ni Pres. Rodrigo Roa Du­terte ang intensyong ipursigi ang imbestigasyon sa mga sangkot sa pork barrel scam ni Gng. Janet Lim Napoles. Nang ito’y pumutok noong July 2013, maraming senador at kongresista ang iniugnay ng mga testigo. Maging ang mga kapartido ni Pres. Benigno Aquino III ay nakasama sa listahan ng kahihiyan na talagang pinupog ng media. Subalit nang nahawi na ang usok ng mga pahayag ng na­ngunang taga-usig na si Justice Secretary Leila de Lima, tatlong pangalan lang ang binigyan ng natatanging atensiyon at tinuluyan: Enrile, Revilla at Estrada.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang kondemnasyon at pag-usig ng makinarya ng pamahalaan laban sa tatlo. Kadidismis lang ng Ombudsman sa serbisyo sa Chief of Staff ni Sen. Enrile na si Jessica “Gigi” Reyes at sa 11 pang kasama sa asunto. Sina Senador Estrada at Revilla ay ilang taon nang nabubulok sa kanilang detensyon.  Tila nalimutan na nga yatang ituloy ng DOJ ang kanilang pagsuri sa mga ga-truck daw na ebidensiya laban sa iba pang pinangalanan.

Ang nangyayaring pandidiin sa oposisyon at pagpapabor sa kapartido ay talagang trademark ng nakaraang administrasyon. At hindi iilan ang nabigla sa ganitong hindi makatarungang pagtatangi -- lalo na kapag galing sa kunwa’y matuwid ang daan.

Isa na nga rito sa nasuya ay si President Digong. At binigkas nito ang sentimyento nang marami na hindi tama ang ginawang pagdiin sa mga Senador porke’t hindi sila kakampi, lalo na’t nagpikit mata na lang sa mga kasa­­lanan ng kanilang kapartido.

Ang batas ay para sa lahat. At kung hindi rin mapatutupad ng patas, wala itong karapatang maituring na batas. Senadora na si Sec. Leila de Lima. Ngayon, siya rin ay nakapiit. Matagal na ring naghintay ang lipunan na mabigyang katarungan at malaman ang katotohanan sa Napoles story. Hindi man tayo nabiyayaan sa ilalim  ng nauna nating Presidente, mukhang sa pamamagitan ni President Digong, ang buong katotohanan ay tuluyang makakamit.  

vuukle comment

RODRIGO ROA DU­TERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with