^

PSN Opinyon

My first boss

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON ay nagpaalam ang pamahalaang lungsod ng Maynila kay Gemiliano “Mel” C. Lopez, Jr., mayor ng Maynila mula 1986 hanggang 1992. Sa pangunguna ni President Mayor Joseph E. Estrada, buong City Hall ang nagpakita ng kanilang pagmamahal at pasasalamat sa naging kontribusyon ni Mayor Mel sa kasaysayan ng lungsod.

Naglingkod bilang konsehal ng Maynila umpisa no­ong 1967, naabot niya ang pagiging acting vice mayor, assemblyman ng Maynila sa Interim Batasang Pambansa noong 1984 at, matapos ang EDSA revolution, naluklok bilang mayor. Marami-raming taon din ang inialay ni Mayor Mel sa mahal niyang Maynila. At nang natapos ang kanyang tour of duty sa mayor’s office, patuloy siyang naglingkod sa bayan bilang chairman ng Philippine Sports Commission at ng  Philippine National Oil Company Exploration Corporation.

Si Mayor Mel ay hinding hindi malilimutan ng mga nakatrabaho sa kanyang malinis na pangalan at  dahil ito’y gentleman politician. Kahit pa lubog sa katakut-takot na suliraning karaniwang binubuno ng mga mayor, lagi pa ring magaang ang dating niya sa tao. Hindi biro ang minana nitong utang noon. Sa termino niya rin nangyari ang pag-aklas ng 16,000 na Manila Public School Teachers Association dahil sa mga nagpatong patong nang benepisyong hindi naibibigay -- isang sitwasyong minana din. Iilan lang ito sa napakaraming pagsubok na hinarap ni Mayor Mel subalit, ni minsan, hindi ito nagpakita ng pagsurender. Determinado nitong hinarap ang hamon ng pagiging Ama ng Lungsod at, nang matapos ang kanyang term, nabura na ang malaking utang ng Maynila at nabalik din ang kaayusan sa mga paaralang lungsod.

Ang kanyang dedikasyon ay nasukatan nang, sa umpisa ng kanyang termino, ay kinailangan nitong sumailalim sa isang heart bypass operation. Noong mga panahong iyon, hindi pa “karaniwan” ang bypass tulad sa ngayon. Naaalala ko pa na wala pang isang linggo matapos ang kanyang sensitibong procedure ay balik na ito sa mayor’s office at tuloy pa rin sa kanyang masigasig na paglilingkod.

Si Mayor Mel ay isang inspirasyon sa mga henerasyon ng Manilenyo. Ang kanyang buhay ay magandang halimbawa para sa Maynila at para sa bansa dahil sa kanyang  mga makabuluhang kontribusyon sa serbisyo.

MAYNILA KAY GEMILIANO “MEL” C. LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with