^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Corrupt officials naman ang harapin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Corrupt officials naman ang harapin

KAHAPON, isang rally ang ginawa sa maraming lugar sa bansa bilang paggunita sa Human Rights Day. Nagdulot ng trapik sa Maynila ang rally sa Mendiola at Liwasang Bonifacio. Pinananawagan ng mga raliyista na itigil na ang madugong pagpatay kaugnay sa kampanya sa illegal drugs. Nakakasawa na umano ang araw-araw na pagpatay sa drug suspects. Libo na ang napapatay mula nang paigtingin ang kampanya sa illegal drugs.

Anim na buwan na ang nakalilipas mula nang isagawa ang anti-drug campaign pero hindi pa rin drug-free ang bansa. Marami pa rin ang walang takot at patuloy na nagtutulak at may mga Chinese pang nagluluto ng shabu. Hanggang kailan kaya ito?

Habang marami pa ang nagtutulak ng shabu, marami rin namang opisyal ng gobyerno ang sangkot sa katiwalian at hanggang ngayon ay hindi pa rin naman nakakatikim ng bagsik ng kamao ni Duterte. Kaya wala pang nasasampolan mula nang umupo. Mas natutukan ang illegal na droga. Dapat magpokus naman si Duterte sa mga corrupt sa pamahalaan.

Nang magsalita siya sa alumni homecoming ng San Beda College of Law isang linggo na ang nakararaan, sinabi niyang ang sunod niyang target ay ang mga corrupt public officials. Mayroon umano siyang listahan. Ipapahiya raw niya ang corrupt public officials..

Kung galit ang Presidente nagpapakalat ng illegal na droga, galit din siya sa mga corrupt sa pamahalaan. Nang maupo sa puwesto noong Hunyo 30, ang pagdurog sa mga corrupt ang kanyang unang pinangako. Binalaan niya ang mga corrupt sa Land Transportation Office (LTO), Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na sisibakin sa puwesto. Kamakailan, inatasan niya ang lahat nang pinuno ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magbitiw na sa puwesto kasunod nang nabulgar na corruption sa tanggapan. Sabi ni Duterte, naka-commit na siya sa mamamayan na wawasakin ang corruption sa mga tanggapan ng pamahalaan at gagawin niya ito. Hindi raw siya nagbibiro.

Naiinip ang taumbayan sa pangako. Gusto nila’y makita ang bangis ni Duterte sa mga corrupt. Matutuwa ang sambayanan kung may masasampolang corrupt public officials. Hindi sana pawang salita lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with