^

PSN Opinyon

Linisin na muna ang sariling hanay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga pahayag ni presumptive President Duterte na gusto kong mapatupad kaagad, ay ang kanyang babala sa mga pulis at sundalo na may mga kriminal o administratibong kaso. Sinabihan na umalis na sila sa serbisyo bago siya opisyal na umupo bilang pinuno ng bansa. Kung hindi pa rin umalis, ipadadala raw sa Jolo para labanan ang Abu Sayyaf. Gusto kong makitang mangyari iyan.

Wala nang mas masama sa pulis na sangkot sa krimen. Nagtatago sa likod ng uniporme at otoridad bilang tagapatupad ng katahimikan at kaayusan para makagawa ng krimen. Sila ang sumira sa imahe ng pulis itong mga nakaraang dekada, na tila hindi na maayos ng pamunuan ng PNP. Sabihin na natin na hindi naman lahat ay marumi. Ganun pa man, ilap na ang taumbayan sa kapulisan. At ang isang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit aktibo pa rin ang mga pulis na may mga kasalukuyang kasong kriminal, iba mabibigat pa nga.

Katulad ng kaso ni Adora Lazatin, ang babaing natagpuan sa isang drum na palutang-lutang sa Pasig River noong Abril. Nahuli ang limang suspek sa krimen, at nalaman na tatlo ay mga aktibong pulis, isa may nakabinbin na kaso at isa naman ay hinihinalang sangkot sa kidnap-for-ransom ng mga asawa ng drug lords sa New Bilibid Prisons. May kaso na nga, aktibo pa rin sa pulisya? Kung may kaso na nga, bakit hindi ikinulong o binantayan ang mga kilos dahil malinaw na may kriminal na intensyon na? Kung binantayan o ikinulong sana, hindi na sana namatay si Adora Lazatin. 

Ang pinili ni Duterte na bagong hepe ng PNP ay katulad na rin siya kung magsalita. Sa pahayag ni Supt. Ronald dela Rosa sa Camp Crame, binalaan niya, kasama ng mga mura na tila uso at tanggap na ngayon, ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga. Sasagasaan daw niya at ililibing ang mga drug lords. May mga nagtataas naman ng kilay dahil mula one-star na heneral ay magiging four-star na siya dahil sa kanyang matatanggap na posisyon. Ang mangyayari ay malalampasan na niya kaagad ang mga heneral na may mas mataas na ranggo sa kanya bago siya maging hepe ng PNP. Ganun siguro talaga. Nasa presidente naman ang desisyon kung sino ang itatalaga bilang hepe ng PNP. Pero tulad nga ng nabanggit ko, linisin muna niya ang hanay ng pulisya bago ang lahat.

vuukle comment

PASAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with