Misencounter
(Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

NANGAMBA ang local agents ng Philippine Drug Enforcement Agency at maging ng Criminal Investigation and Detection Group at ng Davao City Police Office, kasali na rin ang mga personnel ng Army-led Task Force Davao na magkaroon ng misencounter kung sakali ngang itutuloy ng mga operatiba na manggaling pa sa national offices  ng mga nasabing ahensya ang  sinasabing “great raid’’ sa isang shabu laboratory daw dito sa Davao City.

At tiyak na magkaroon ng putukan kung sakali ngang walang coordination na mangyayari sa pagitan ng mga taga-national headquarters at ng kanilang mga local counterparts dito sa Davao City.

Mas mahirap ‘yon kung lahat ng operatibang sasa­lakay ay pawang mga taga-national headquarters nila at hindi kakilala ng mga local enforcers.

Ang sinasabing “great raid” ayon kay Mayor Rodrigo Duterte ay pakana lang o isang set-up na kunwari may shabu laboratory dito na sasalakayin ng  mga nasabing operatibang taga-labas.

Ngunit pinagdiinan din ni Duterte na ang nasabing shabu laboratory ay “fabricated” nga lang dahil ito ay pakana ng mga kalaban niya sa pulitika. Ito ay upang sirain ang kanyang political plans kung saan tatakbo siyang pangulo ngayong darating na halalan sa Mayo.

Sinabi ni Duterte at maging ng mga local authorities dito gaya ng mga taga PDEA XI, na wala ngang shabu laboratory dito sa Davao City.

Walang problema sa mga nasabing raid kung totohanan nga at hindi gawa-gawa lang.

Mahirap din ‘yung ang isang raid ay may bahid pulitika.

Kung magsasagawa man ng raid ang mga taga-labas -- hindi naman siguro balakid ang coordination sa local counterparts nila upang maiwasan ang misencounter.

ACIRC ANG DAVAO CITY DUTERTE ITO KUNG MAHIRAP MAYOR RODRIGO DUTERTE MGA NGUNIT TASK FORCE DAVAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with