^

PSN Opinyon

BIR RDO Catapia, anyare

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na palaging tax dito, tax doon ang pinag-uusapan ng madlang people pero dapat lang itong pag-aksayahan ng panahon para kumita ang gobierno sa Philippines my Philippines.

Alam kaya ni BIR Commisioner Kim Henares ang ginagawa ng kanyang mga tuta este mali mga bata pala? tanong ng kuwagong manganganta.

‘Madame Commissioner sangkaterbang reklamo ang tinatanggap ng mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol sa isang RDO ng BIR, na naka assign dyan sa Taytay Rizal, na diumano itong si RDO Joseph Catapia ay palaging wala sa kanyang opisina, kaya santambak ang pending na transaction doon?’

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga nagsasabing paldo na diumano itong si Catapia kaya iba na raw ang dating?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hihi­ling daw nila na mag-ibestiga ang Office of the Ombudsman laban sa pinagkukuentuhan natin para kung totoo ang mga tsimis ay maliwanagan ito ng maayos at lumabas ang katotohanan.

‘Siguro kailangan busisiin ito para magkaalaman kung totoo nga ang kuento.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

Basit Usman mahirap hulihin

MUKHANG mahihirapan ang militar at pulisya sa paghabol kay buwisit este mali Basit pala Usman, ang teroristang miembro ng JI dahil humiwalay daw ang ilang tropa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at gumawa ng bagong grupo ang ‘Justice Islamic Movement.’

Naku ha!

‘Parang totoo.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinupulbos daw ng militar ang BIFF sa ngayon kaya walang ginawa ang huli kundi ang magtatakbo na parang daga at sumuot sa mga lungga.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinalalabas ng BIFF na alaws na sa kanila si Usman dahil itinago na ito ng grupo ni Mohammad Ali Tambako, leader ng JIM ang bagong break away group nila at hindi ngayon malaman kung saan ito dinala.

Naku ha!

Ika nga, kuentong kutsero.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila sa mililtar kung bakit hirap silang habulin ang BIFF gayon malalim ang kanilang mga asset kapalit ng ‘reward’ sa makakapagturo kay Usman.

‘Mukhang humihina ang intel networking ng militar sa nga­yon?’

Bakit kaya?

‘Ilan ba ang tropa ng BIFF kumpara sa mga humahabol na militar at police?’ tanong ng kuwagong nag-aalinglangan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pera, pera lamang ang giyera sa Mindanao madaling makuha ang mga wanted people rito kung may reward na ibibigay ang gobierno tulad ng nangyari kay Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Sabi nga, P220 million!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang nangyayaring bakbakan sa Mindanao na kalaban ng gobierno. Sama-sama sila sa oras na nasukol ang mga bibirahing rebelde tulad ng nangyari noon sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao, na may 44 PNP - SAF commandos ang kinatay ng magsanib ang puersa ng BIFF at MILF.

Bakit ganoon?

‘Magkakamag-anak ang mga ito?’ Hehehe!

‘Mahuli kaya si Basit Usman?’ tanong ng kuwagong hali­parot.

Kamote, iyan ang ipasagot mo sa kanila.

Abangan.

Mistah ni SILG Roxas ang bagong SAF

HINARANG este mali hinirang pala ni P. Noy si PNP Chief Supt. Moro Virgilio Lazo, ng PMA Class 84, bilang bagong pinuno ng PNP Special Action Force.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Lazo ay ka-Mistah ni SILG Mar Roxas pero hindi ito Aer kundi ‘adopted’ member ng PMA Class 84.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na bago sa SAF si Lazo dahil dati na pala ito dito.

vuukle comment

ASSET

AYON

KUWAGO

MISMO

NAKU

ORA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with