Sikat na TV personality naka-helicopter kung mag-casino

ALAM n’yo bang naka-helicopter pa kung mag-casino ang isang sikat na TV personality?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Health Secretary Enrique Ona, kay Customs Deputy Comm. Danny Lim, Atty. Fidel Calvan ng BIR, Greg Cervano Jr., Karizze Martinez at Ramon “RJ” Jacinto.

Matindi palang magpasiklab ang sikat na TV personality sapagkat alam na alam ng mga staff ng Solaire casino kung dumarating na siya. Kapag lumanding ang isang helicopter sa helipad ng Solaire na nasa rooftop ng casino, kilala nila kaagad kung sino.

Ayon sa aking bubwit, sa private room kung magsugal ang naturang personality. Ito ’yung grupo ng mga high roller.

Malakas palang tumaya kaya noong nakalipas na buwan, inabot yata ng kamalasan kaya malaki rin ang kanyang ipinatalo. Maniniwala ba kayong usap-usapan ngayon sa Solaire na umabot ng P300-million ang natalo sa kanya.

Wow, limpak-limpak na salapi ’yan p’re. Kaya pala mainitin ang ulo nito sa kanyang TV show. Pati mga staff ay pinagagalitan sa harap ng mga viewers.

Ayon sa aking bubwit, ang TV personality na naka-helicopter kung mag-casino at natalo ng P300-million noong nakalipas na buwan ay si... talent fee niya kaya ito ng ilang buwan?

Siya ay isa ngayon sa mga pinaka-mayaman at isa rin sa mga mayayabang na TV personality.

Siya ay si Mr. W. as in Wow.

Show comments