^

Metro

Ina, 1 pa nagbenta ng sanggol kinasuhan ng trafficking at child exploitation

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ina, 1 pa nagbenta ng sanggol kinasuhan ng trafficking at child exploitation
Batay sa 5-pahinang resolusyon ng DOJ, na may petsang Mayo 20, isinampa ang mga naturang kasong kriminal laban sa mga respon­dents matapos makitaan ng sapat na probable cause.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng Department of Justice (DOJ) ng mga kasong qualified trafficking at child exploitation ang isang ina at kasabwat na sangkot sa pagbebenta ng bagong silang na sanggol sa halagang P90,000 lamang.

Batay sa 5-pahinang resolusyon ng DOJ, na may petsang Mayo 20, isinampa ang mga naturang kasong kriminal laban sa mga respon­dents matapos makitaan ng sapat na probable cause.

Wala umanong inirekomendang piyansa ang mga prosecutors para sa kasong qualified trafficking ng mga akusado, habang maaari naman silang maglagak ng P80,000 na piyansa para sa kasong child exploitation.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) sa DOJ laban sa mga respondents.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis mula sa National Authority for Child Care hinggil sa isang “black market” sa social media group ng mga indibidwal na nais na ilegal na mag-ampon ng mga bata.

Nagawa naman ng mga awtoridad na maki­pag-transaksiyon sa isang indibidwal na nag-alok ng isang bagong silang na sanggol sa halagang P90,000.

Isang lady cop ang nagpanggap na nais mag-ampon ng sanggol ang nakipagkita sa isa sa mga akusado sa Dasmariñas City, na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawa kabilang ang ina ng sanggol sa isang entrapment operation noong Mayo 15, 2024 habang nasagip ang 9-araw na gulang na sanggol.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with