^

Metro

Japanese na remnant ng ‘Luffy Gang’, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Japanese na remnant ng �Luffy Gang�, timbog
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26, na naaresto noong Sabado sa Estrella Avenue sa Brgy. Poblacion, Makati City ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit ng BI, at sinasabing umano’y remnant ng notoryosong “Luffy Gang”.
Bureau of Immigration, Republic of the Philippines/Facebook page

MANILA, Philippines — Isang Japanase national na remnant o natiitirang kasapi ng kilabot na “Luffy Gang” na “wanted” sa Tokyo, Japan dahil sa mga kasong theft at robbery ang nalambat ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Makati City.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26, na naaresto noong Sabado sa Estrella Avenue sa Brgy. Poblacion, Makati City ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit ng BI, at sinasabing umano’y remnant ng notoryosong “Luffy Gang”.

Ayon kay Tansingco, ang pagkaaresto kay Hiroki ay alinsunod na rin sa kahilingan ng Japanese authorities sa Maynila, na nag-imporma sa BI hinggil sa presensya ng dayuhan sa Pilipinas.

Anang BI chief, si Hiroki ay kaagad nilang ipatatapon pabalik sa Tokyo dahil taong 2022 pa nang ipag-utos ng BI ang summary deportation laban sa kanya at inilagay na sa blacklist ng undesirable aliens.

Ayon naman kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Hiroki ay nagtatago sa bansa noon pang Nobyembre 20, 2019, kung kailan siya dumating bilang turista. Gayunman, taong 2022 lamang naimpormahan ang BI hinggil sa kanyang kaso sa Japan.

Nang matanggap ang impormasyon ay kaagad namang nagsagawa ng manhunt operation ang BI laban kay Hiroki, gayundin sa kanyang mga kasabwat sa “Luffy” scheme. Mayroon din umano siyang standing warrant of arrest na ­inisyu ng Tokyo Summary Court sa kasong pagnanakaw na paglabag sa Japanese penal code.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with