^

Metro

2 nalitson sa sunog sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 nalitson sa sunog sa Maynila
This photo shows a picture of a fireman trying to extinguish a fire.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang patay sa sunog na sumiklab sa isang residential-commercial building nitong Sabado  ng umaga sa  Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasawi ang isang 63-anyos na lalaki at 6-anyos na lalaki.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog bago mag-alas-5 ng umaga sa Barrio Kapampangan cor. Pedro Gil St. sa Bgy. 869, Sta. Ana, Maynila nitong Sabado. Agad na  inakyat ang sunog sa unang alarma.

Sinabi ni  FO4 Joel Jacinto, Sub-station Commander ng BFP Sta. Ana Fire Station na dinatnan nilang  nasusunog na ang second hanggang third floor ng gusali.

Batay sa pahayag ng isang empleyado, puro tindahan ang unang palapag, stockroom ang pangalawa at tulugan ang ikatlong palapag. 

Rumesponde ang mga bumbero para maapula ang apoy na idineklarang fire out bago alas-7 ng umaga.

Umakyat pa sa bubong ng katapat na gusali ang mga bumbero para mapabilis na maapula ang apoy.

Sinabi ng isang residente, nakita nilang bumalik sa loob ng gusali ang matandang biktima matapos lumikas.

“Paglabas ko po sobrang lakas na. ‘Yung lalaki pinababa namin ‘yung may-ari, hindi namin alam na umakyat ulit. Hindi ko alam bakit umakyat ulit. Baka po apo niya. Naiwan siguro doon,” sabi ni Leo Olasiman.

Tumanggi magbigay ng pahayag ang kaanak ng nasawi.

Nasa tatlong pamilya ang apektado ng sunog. Hindi naman nadamay ang mga katabing gusali at bahay.

Pansamantalang manunuluyan sa covered court ng barangay ang mga nasunugan.

Iniimbestigahan pa rin ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with