MRT-7, 70% nang kumpleto bubuksan sa 2025
MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na nasa 70% na ang completion rate ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).
Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na naabot ng MRT-7 ang overall progress rate na 69.86% noong Abril 2024 pa.
Nabatid na target ng DOTr na maging operational ang MRT-7 sa Disyembre, 2025.
“I saw the full speed construction and I’m very happy that they are completing the Quezon City leg of MRT-7 which will be operational at the end of 2025,” ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.
Dagdag pa niya, “I am very much impressed with how San Miguel Infrastructure has constructed all the facilities and I’m sure with all your help and hard work we should be able to open this Quezon City leg of MRT-7.”
Si Bautista, kasama si San Miguel Holdings Corp. vice president at chief finance officer Raoul Romulo ay nagsagawa ng inspeksiyon sa MRT-7 depot sa Station 6 (Batasan Station) kamakalawa.
Ang MRT-7, na may habang 22 kilometro, ay siyang magdudugtong sa Bulacan at Quezon City. Binubuo ito ng 14 na istasyon na kinabibilangan ng Quezon North Avenue Joint Station, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose del Monte. (
- Latest