^

Metro

Canadian drug trafficker lilitisin sa Pinas bago ipa-deport – BI

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Inihayag kahapon ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na kinakailangan munang harapin ng naarestong fugitive at Canadian drug trafficker na si Thomas Gordon O’Quinn ang mga kinakaharap niyang kaso sa Pilipinas, bago siya tuluyang ipa-deport.

Si O’Quinn na nakuhanan ng iba’t ibang ID at gumagamit ng alyas na James Martin, 38-anyos, ay naaresto noong Mayo 16 sa Brgy. Maitim II, Tagaytay City sa pinagsamang operasyon ng fugitive search unit (FSU) ng BI at Regional Intelligence Division ng National Capital Region Police Office (NCRPO), PRO4A, at Tagaytay City Police. Itinuturing siyang big-time drug lord, at pinaghahanap ng Interpol para sa mga kasong isinampa laban sa kanya sa US.

Sa Pilipinas, nahaharap si O’Quinn sa mga kasong paglabag sa Section 11 (Illegal Possession), Article II ng RA 9165, at Article 178 (Using Fictitious Name and Concealing True Name) ng Revised Penal Code.

Ang lalaking taga-Canada ay itinuro ng mga lokal na awtoridad na pangunahing suspek sa pagpupuslit ng 1.4 toneladang shabu na nagkakahalaga ng P9.8 bilyon na nasabat sa police checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong nakaraang buwan. (Butch Quejada,

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with