18-anyos na lalaki tumalon sa footbridge
MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na lalaki ang nagtangka umanong magpakamatay matapos tumalon mula sa footbridge sa Brgy. Old Balara, Quezon City kamalawa ng gabi.
Isinugod sa Diliman Doctor’s Hospital ang biktima na kinilalang si Mark Gerald Angelo Romero Gesulga, out of school youth, ng Kaingin 2, Brgy Pansol, Matandang Balara, Quezon City.
Sa report ng Quezon City Police District-Batasan Police Station 6, alas-11 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa naturang ospital tungkol sa pagtalon ng isang lalaki sa Luzon Footbridge sa may Commonwealth Avenue Brgy. Old Balara, Quezon City.
Nabatid na tumalon si Romero bandang alas 8:30 ng gabi na agad namang naitakbo ng mga bystanders sa naturang ospital.
Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa pamilya ng biktima upang malaman ang posibleng dahilan ng tangkang pagsu-suicide nito.
- Latest