^

Metro

Cessna plane bumagsak: Piloto, 1 pa sugatan

Artemio Dumlao, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Cessna plane bumagsak: Piloto, 1 pa sugatan
Ang 4-seater Cessna 172 plane na may registry number RP-C6923 na bumagsak sa katubigan ng San Fernando, La Union nitong Martes ng umaga. Himalang nakaligtas ang piloto at isang pasahero nito nang magtamo lang sila ng bahagyang mga sugat sa insidente.
Photo: CAAP

MANILA, Philippines — Isang piloto at isang pasahero na hindi pa pinangalanan ng awtoridad ang kapwa sugatan nang bumagsak ang kanilang sinasakyang 4-seater Cessna 172 plane na may body number RP-C6923 sa San Fernando City, La Union kahapon ng umaga,

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), alas-9 ng umaga nang maganap ang light plane crash sa katubigang bahagi ng Barangay Canaoay sa San Fernando City.

Lumalabas na umalis ang eroplano sa San Fernando Airport sa San Fernando City, ilang minuto lang bago ang aksidente.

Agad na nag-deploy ang Coast Guard District Northwestern Luzon ng Coast Guard Medical-NWLZN at Special ­Operations Unit-NWLZN upang rumesponde sa insidente.

Nang marating ang lugar, agad na nagbigay ng first aid ang medical team ng Philippine Coast Guard, kasama ang San Fernando City Disaster Risk Reduction Management Office, sa dalawang biktima at agad na isinugod sa Lorma Medical Center.

Tinawagan din ang Marine Environmental Protection Unit sa lugar upang maglatag ng dalawang 25-metrong oil spill booms upang mapigil ang posibilidad ng oil spill sa lugar na mula sa eroplano.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa sanhi ng pagbagsak ng eroplano.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with