^

Metro

Lalaking target ng asasinasyon, nakabundol ng bata; huli sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lalaking target ng asasinasyon, nakabundol ng bata; huli sa droga
Kinilala lang ng mga awtoridad ang suspek sa alyas na “Buboy” ng La Hacienda, Teresa, Rizal, na sinasabing tumatakas umano sa mga taong nais pumatay sa kanya kung kaya’t aksidenteng nabundol nito ang 8-anyos na batang si Zielmer, bandang alas-9 ng gabi sa Brgy. Bagumbayan, Teresa.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaking target umano ng asasinasyon, matapos na makabundol ng paslit at nakuhanan pa ng bloke-bloke ng marijuana sa Teresa, Rizal.

Kinilala lang ng mga awtoridad ang suspek sa alyas na “Buboy” ng La Hacienda, Teresa, Rizal, na sinasabing tumatakas umano sa mga taong nais pumatay sa kanya kung kaya’t aksidenteng nabundol nito ang 8-anyos na batang si Zielmer, bandang alas-9 ng gabi sa Brgy. Bagumbayan, Teresa.

Ayon sa saksing si Lord Byron Tibay, 39, minamaneho niya ang kanyang van sa naturang lugar mula Morong, Rizal patungong Antipolo City nang bigla na lang siyang overtake-an ng suspek na nagmamaneho naman ng isang Toyota Vios na may plakang NBM-2817.

Dahil sa pag-overtake, nabundol ng suspek ang nasabing paslit ngunit sa halip na hintuan ay tinakbuhan nito ang biktima. Kaagad siyang hinabol ni Tibay at nang mailapit ang van nito sa kotse ay binangga ito kaya’t napilitang tumigil ang suspek, kaya naaresto sa bahagi ng Corazon C. Aquino Ave. sa Brgy. May-iba.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis, natuklasan nilang ang suspek ay may tama ng bala sa likod, na tumagos sa kaliwang kamay. May narekober din silang isang basyo ng bala sa sahig sa back seat ng sasakyan at dalawang bag na naglalaman ng pitong bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng tig-isang kilo at nagkakahalaga ng P800,000.

Ayon sa suspek, may bumaril umano sa kanya kaya’t tumatakas siya mula sa salarin kaya sa pagmamadali ay aksidente umano niyang nabundol ang bata na nagtamo lang ng galos sa katawan.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with