^

Metro

Info drive sa pagbabawal ng e-bike, e-trike pinalawig ng MMDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Info drive sa pagbabawal ng e-bike, e-trike pinalawig ng MMDA
E-bikes, e-trikes, tricycles and pedicabs are seen passing by along Recto Avenue in Manila on April 13, 2024.
The STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palalawigin pa ng isang linggo ang information campaign kaugnay ng pagbabawal sa mga e-bikes, e-trikes, at iba pang katulad na sasakyan sa mga national road na kanilang nasasakupan.

Ito’y matapos ang isang buwan nitong Mayo 18, panahong pagpapaliban sa implementasyon na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R.  Marcos Jr.

Sa pulong-balitaan, sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes na ipagpapatuloy lamang ang kanilang mga tauhan sa ground sa pagpapaalala sa mga tsuper ng mga e-vehicle, tulad ng e-bike at e-trike, gayundin ang mga tricycle, pedicab, pushcart, at kuliglig na huwag dumaan sa national, circumferential, at radial roads sa Metro Manila, ngunit hindi na mag-iisyu ng ticket sa loob ng isang linggo.

Aniya, ito ay bahagi ng inisyatiba ng MMDA na suportahan ang panawagan ng Pangulo na magkaroon ng educational campaign, lalo na sa mga apektado.

“We will still be not issuing violation tickets this week but we reiterate that they are still prohibited on major roads,” ani Artes.

“This one-week extension will allow owners and drivers of e-bikes, e-trikes, and other similar light vehicles to comply with either registration or getting a driver’s license,” dagdag nito.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with