Paslit nilunod ng kuya sa ilog

Sa report, sinabi ng ama ng biktima na isang alyas Rod, 27, nagalit ang 14-anyos na stepson sa kanyang nakababatang kapatid matapos itong paulit-ulit na paalisin sa kanilang tahanan dahil isa umano itong magnanakaw.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nilunod ang 5-anyos na batang lalaki ng binatilyong kapatid sa ama sa ilog sa  Sitio Lawis, Barangay Suba-basbas, Lapu-lapu City, Cebu, nitong Biyernes ng umaga.

Sa report, sinabi ng ama ng biktima na isang alyas Rod, 27, nagalit ang 14-anyos na stepson sa kanyang nakababatang kapatid matapos itong paulit-ulit na paalisin sa kanilang tahanan dahil isa umano itong magnanakaw.

Ang binatilyo ay anak ng asawa ni Rudy sa dati nitong kinakasama.

Ayon sa ama, tinirador ng binatilyo sa bibig ang kaniyang anak saka hinila sa ilalim ng tubig gamit ang malaking bato hanggang sa malunod.

Nasaksihan naman ito ng isa pa nilang kapatid na 8-anyos.

Pagkatapos ay binalaan umano ng binatilyo ang nakasaksing kapatid na huwag magsumbong kung ayaw nitong siya naman ang isusunod niyang papatayin.

Ngunit nagsumbong pa rin ang 8-anyos na bata sa kanilang ina kaya agad pinuntahan ang ilog at naiahon ang biktima subalit wala na itong buhay.

Nasa kostudya nang Lapu-Lapu City Police Station 4 na pinamumunuan ni Master Sergeant Marven Saraum ang binatilyo pero dahil sa menor de edad ay hindi pa maaaring kasuhan ng murder ang suspek.

Nakatakda naman i-turnover ang binatilyo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Show comments