Payout sa monthly allowance ng seniors sa Maynila matatanggap ngayong Mayo

Ang 284 ay bahagi ng 600 senior citizen na Mayo 1 ang kaarawan, habang ang iba pa ay hindi na kayang magbiyahe dahil sa katandaan.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Matatanggap na ngayong Mayo ang kabuuang P2,000 monthly allowance ng senior citizen ng Maynila, ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna.

“Ito po ang ating maliit na paraan para pasalamatan at ipadama ang pagmamahal sa ating mga magulang, lolo at lola sa city of Manila,” ani Lacuna sa isinagawang advanced birthday celebration niya para sa Mayo 6, kasama ang nasa 284 senior citizen na may kaarawan mula sa anim na Distrito ng lungsod, sa mass celebration na ginanap sa San Andres Complex.

Ang 284 ay bahagi ng 600 senior citizen na Mayo 1 ang kaarawan, habang ang iba pa ay hindi na kayang magbiyahe dahil sa katandaan.

Sa susunod na taon, ani Lacuna, ay isa na din siyang senior citizen.

“Sa ngayon, sine-celebrate ko na rin as 60. Gusto ko ipaalala sa sarili ko na next year, senior citizen na rin ako at tropa ko na din kayo. Meron na rin akong OSCA card,” ani Lacuna.

Noong nakalipas na taon, ang senior citizens na “May 6 celebrators” ang kasama ni Lacuna sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan, na sinundo at inihatid ng mga bus sa kanilang bahay matapos bigyan ng mga gamot, cakes, at iba pang regalo mula sa alkalde.

Show comments