Search for Miss Manila 2024, simula na
MANILA, Philippines — Inianunsiyo kahapon ni Manila Mayor Honey Lacuna na magsisimula nang muli ang pinakaaabangan Search for Miss Manila 2024.
Kaugnay nito, inanyayahan ni Lacuna ang lahat ng mga kuwalipikadong kababaihan na lumahok sa naturang patimpalak ng kagandahan.
Ayon kay Lacuna, maaaring lumahok sa naturang search ang lahat ng dalaga, na nagkakaedad ng 18 hanggang 30-anyos at bonafide resident ng Maynila. Kailangan din aniyang na sila ay kumakatawan sa “values of empowerment” at “leadership”.’
Anang alkalde, upang makasali, kinakailangan lamang ng isang aplikante na sagutin ang katanungan na “What Makes A Woman Of Worth Ultimately Beautiful?”. Ang video nito ay kailangan niyang i-upload sa TikTok, gamit ang hashtags na #MissManilaUltimatelyBeautiful at #MissManila2024.
Matapos ito, maaari nang magrehistro at mag-fill out ng application form na makikita sa http://missmanila.ph.
Ani Lacuna, ang deadline para sa aplikasyon ay sa Mayo 3, 2024.
- Latest